Thursday , October 1 2020
Breaking News
You are here: Home / News / Dinukot sa Sulu ‘di empleyado ng Globe

Dinukot sa Sulu ‘di empleyado ng Globe

NILINAW kahapon ng Globe Telecom na hindi nila empleyado sina Nasri Abubakar at Dennis Aluba na napaulat na dinukot sa Barangay Latin sa Patikul, Sulu kamakailan.

Ayon kay Yoly Crisanto, head ng Globe Corporate Communications, ang dalawang nabanggit na biktima ay technical staff ng QTel na kinuha ng Nippon Electric Company para mag-set-up ng network transmission requirement sa naturang lugar bilang kontraktor ng Globe.

Aniya, inasistehan na nila ang kanilang sub-contractor na QTel sa pag-uulat sa naturang insidente sa militar at nakahandang makipagtulungan ang Globe sa mga kinauukulan.

Nakikisimpatya umano sila sa pamilya ng mga biktima at umasa na ligtas na sila ay mababawi.

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top