Friday , September 25 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Charice, gustong manirahan sa Bohol

Charice, gustong manirahan sa Bohol

NAGPAKATOTOO lang si Charice Pempengco sa pagsasabing kahit itinuturing nitong ‘ninang’ si Oprah Winprey ay hindi tiyak na mapagbibigyan siya sakaling humingi siya ng suporta para sa mga naging biktima ng lindol sa Bohol.

Aniya, ”It’s just hard.  It’s hard, I’m not gonna lie. I’m not gonna be you know, one of those people na feeling ano, close ‘di ba? Siyempre, kahit ninang ko siya I still have to respect the fact that she’s Oprah. I can’t that closed to her you know. Para sa akin, I can only consider, I can try.”

Inamin nito na matagal na siyang tumutulong through charity works pero hindi nga lang ito nababalita dahil ayaw niyang maging headline. Kaya naman, naipangako nito na susubukan niyang lumapit at humingi ng tulong kay Oprah pero nandoon ‘yung walang katiyakan sa kanyang gagawin. ”Tulad ng sabi niya sa akin dati na, ‘yun ang gusto niyang makita sa akin na balang araw na ako’y tinulungan niya, someday ako naman ang tutulong and I wanna do this na masasabi na with the help of these people, I did this.”

Base sa kuwento ni Charice, isang linggo bago nangyari ang lindol ay pumunta silang dalawa ni Alyssa Quijano sa Tagbilaran City para ipagdiwang ang kanilang anibersaryo bilang magsyota. Na-feel niya ang respetong hinahanap lalo pa’t naging friendly sa kanila ang mga tagaroon.

Agad napamahal sa mang-aawit ang lugar kaya naisip nitong bumili ng lupa roon at tayuan ng bahay.

Speaking of Alyssa, desidido na siya na pang-forever na ang kanilang relasyon at ang plano nitong bumili ng lupa at magpatayo ng bahay na malapit sa beach ay nakaplano na.

Aniya, ”A lot of people think, I am too young for that pero a lot of people don’t know me as well. So, hindi nila alam kung paano ako magmahal, hindi nila alam kung ano akong tao when I am in relationship. So, when I say that she is in my future, she is.”

At sakaling magpakasal sila, ”Lahat naman tayo ay dumadaan doon at kung maisip na naming magpakasal ay doon kami sa lugar na tanggap kami, kung saan puwede, sa New York o may iba pa namang lugar. Marami naman d’yan eh.”

Ukol naman sa singing na suot-suot nilang dalawa ay hindi raw iyon engagement ring kundi promise ring.  Inamin din nito na nagli-live-in na sila at may nabili silang condo type na bahay sa may Laguna.

Alex Datu

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top