Thursday , October 1 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Sylvia, diet muna para sexy sa kasalang Maya at Ser Chief

Sylvia, diet muna para sexy sa kasalang Maya at Ser Chief

SA dinner party ni Arjo Atayde namin nakatsikahan ang nanay niyang si Sylvia Sanchez kung ano ang mangyayari sa kasalang Sir Chief (Richard Yap) at Maya (Jodi Sta. Maria) na aabutin ng apat na araw ang taping ng nasabing eksena.

“Sa totoo lang, hindi ko pa alam anong mangyayari at hindi pa rin sinasabi sa amin kung saan ang kasal, walang binabanggit, bukas (kahapon) dadalaw ang mga boss sa taping namin sa Pila, Laguna para siguro banggitin kung anong mangyayari.

“Hanggang ngayon talaga, hindi pa kami sinasabihan, eh. Kasi siguro ngarag lahat, araw-araw kaya taping namin, walang tulugan, kung mayroon man, dalawang oras lang kaming mga artista, mga production staff, walang tulog, kaya good luck talaga sa aming lahat,” kuwento ni Nanay Teresita.

Nagkataong pack-up lang daw ang taping ng Be Careful With My Heart kaya nasa dinner siya ng anak pero kahapon ng madaling araw ay tumulak na siya sa taping at ngayong tanghali ang uwi niya para matulog sandali at balik-taping ulit.

Kaloka pala ang BCWMH, parang pelikula dahil araw-araw ang taping, “eh, kasi nga wala kaming bangko, naghahabol parati,” katwiran ni Ibyang sa amin.

Samantala, pansin naming hindi kumain si Ibyang sa handa ng anak, “kasi nagda-diet nga ako para sa kasal ni Maya, hindi ako masyadong mataba, pero promise ko pagkatapos makunan ‘yang wedding, talagang kakain ako ng gusto kong kainin, walang kokontra, “tumatawang sabi sa amin ng aktres.

Sa kabilang banda, nabanggit ni Ibyang na nagpaalam na raw ang anak niyang si Ria na papasok na rin sa showbiz pagkatapos nitong grumadweyt sa De La Salle University na  talagang ikinagulat daw nilang mag-asawa.

“Eh, kasi siyempre, artista na si Arjo, papasok pa si Ria, sinong mamamahala ng negosyo? Laglag balikat nga si Papito (daddy ni Papa Art) kasi nga lahat ng anak ni Art, puro showbiz. Ang lakas daw ng dugo ko, ha, ha.

“Siyempre, panganay si Arjo kaya gusto sana ni Art na siya ang papalit sa kanya sa negosyo, eh, showbiz ang gusto. Pero tingin ko, may gusto lang patunayan si Arjo, eventually magne-negosyo rin ‘yan,” kuwento ng proud mama nina Ria, Arjo, Gela, at Xavi.

Botong-boto pala si Ibyang kay Empress Schuck na maging girlfriend ni Arjo, “kaso, ayaw nila, incest daw, magkapatid daw sila. Kasi naman mga bata pa lang magkakilala na. Gusto ko si Empress kasi mabait, simple, mabait sa magulang at tahimik, hindi magaslaw.

“Sabi ko nga kay Arjo, ‘anak, si Empress na lang’, sabi ba naman, ‘mom, she’s like a sister to me, ano ba.’

“Kaya ano pa masasabi ko, eh, ‘di wala. Bahala si Arjo kung sino gusto niya, basta masaya siya,” sabi ng aktres.

Tinanong namin kung pumupunta ng casino si Ibyang since madalas silang kumain sa Resorts World.

“Ay hindi, bawal, kasi mamaya makunan ako ng litrato at i-post na naglalaro ako, eh, hindi maganda ‘yun sa akin bilang si Nanay Teresita. At saka hindi naman ako talaga naglalaro, minsan dati habang hinihintay ko si Art sa meeting niya, kaysa maburyong ako, nagpo-poker ako, pero minsan lang hindi na naulit,” katwiran pa ng aktres.

Reggee Bonoan

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top