Friday , October 2 2020
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Kolek-tong Gang humahataw sa Divisoria

Kolek-tong Gang humahataw sa Divisoria

00 Bulabugin JSY
HAPPY na naman ang mga walanghiyang Kolek-TONG group sa mga pinahihirapang vendors sa Divisoria Maynila.

‘Yan ang tunay na hinaing ngayon ng pobreng vendors na maghapon-magdamag nagtitinda at nakikipaghabulan sa mga tauhan ng Manila HAWKERS Division, DPS at mga pulis ng MPD PS11.

Sobrang ‘ERAP na nga raw ang dinaranas nila kahit hindi sila nakalilimot sa kanilang OBLIGASYON na tinatawag pang ‘TULONG’ kuno ng mga kolektong para sa mga kinauukulan.

In short, non-stop pa rin ang TARA y TANGGA para sa ilang kotong cops ng MPD at ng CITY HALL!?

Muli na naman lumutang ang KOLEK-TONG gang gaya nina KAROL BAKULAW, SHARON, KA FERDIE, FREDDIE, BOY, TOMBOY. Isang alyas HENRY NGONGO ang gamit ni Karol Bakulaw sa pangongolektong.

Dagdag-pahirap din ang mga KOLEK-TONG ng ilang BRGY Officials sa paligid ng DIVISORIA MALL at mga ilegal na PAILAW sa kahabaan ng Recto St., mula Asuncion St.

Yorme ERAP, bakit hindi ninyo PAIMBESTIGAHAN ang mga kotong gang na ‘yan?

Lalo na ‘yun dalawang oslang hoodlum na sina alias GERRY ECULtong at NOLI SUNGAI.

Alam mo ba Erap, na ‘yang dalawang kamoteng ‘yan ang nagbibigay ng GO SIGNAL sa mga vendor na maglatag at magtinda nang wala sa oras tapos ay sila rin ang magpapahuli at kukumpiskahin ang paninda ng mga vendor!?

Sonabagan!!!

Kung nakamamatay nga raw ang mura ng mga vendors sa Manila City Hall ay tiyak marami na ang natigok diyan!?

 

 Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://www.hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top