Wednesday , September 24 2025

Globe at Facebook nagsanib-puwersa! (Pagbibigay ng libreng internet access sa 36 milyong Filipino)

110713 Globe Facebook

PINAGTIBAY ng Globe at Facebook ang kanilang pagkakaisa upang maghatid ng internet access sa mas maraming Filipino. Nasa larawan sina (mula kaliwa) Peter Bithos, Globe Senior Advisor for Consumer Business, Mark Zuckerberg, Founder at CEO ng Facebook at Ernest Cu, President at CEO ng Globe sa Menlo Park, California, USA.

Muling pinatunayan ng nangungunang telecommunications company na Globe na sila ang mobile data service provider na tinatangkilik ng mga technology leaders at industry players saan mang panig ng mundo.

Nagsanib-pwersa ang Globe at ang top social networking site na Facebook, na may mahigit 36 milyong subscribers kamakailan, sa pagbibigay ng libreng access sa Facebook gamit ang kanilang mobile phones sa loob ng tatlong buwan nang hindi kinakailangan ng Wi-Fi.

Bukod sa pagbibigay ng zero data charges sa paggamit ng Facebook, ang pagsasama ng dalawang global companies ang nagbigay-daan upang ma-enjoy ng subscribers ang pinakaunang customer experience innovations tulad ng pagiging accessible ng Facebook sa kahit anong mobile platforms, mapa-Facebook app o  pagbubukas ng mobile site nitong m.facebook.com, advice ng charge notifications, one-click para sa pagbili ng data plans, at data access lending para ma-access ang links sa labas ng Facebook.

Para makapag-subscribe sa Globe Free Facebook nang libre, i-dial lamang ang *143# at piliin ang Free FB o magtext ng FREEFB sa 8888.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Tuba Benguet landslide bagyo Nando

Sa Tuba, Benguet
9 sugatan sa landslide sa pananalasa ng bagyong Nando

SUGATAN ang siyam katao sa ilang naiulat na mga insidente ng pagguho ng lupa sa …

Dead body, feet

Sa Tanza, Cavite
Bangkay ng lalaki natagpuan sa liblib na lugar

WALA nang buhay nang matagpuan ang katawan ng isang lalaki sa liblib na bahagi ng …

Sta maria Bulacan Police PNP

Motorsiklo tinangay, ipinang-roadtrip 2 kabataan timbog

DINAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaki at kaniyang kasamang menor de edad na itinurong …

Norzagaray Bulacan police PNP

P38-K kita ng tindahan sinikwat ng empleyado

INARESTO ng mga awtoridad ang isang lalaki matapos tangayin ang kita ng tindahang pinagtatrabahuan sa …

Taguig PNP Police

Motorsiklo ninakaw, tinangkang ibenta; Pulis-Taguig timbog sa mga kabaro

NASAKOTE ang isang pulis na nakatalaga sa Taguig CPS matapos tangkang ibenta ang ninakaw na …