Sunday , September 27 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / 9 sa Kapamilya stars, pasok sa Top 10 ng 100 Most Beautiful Women in the Philippines 2013

9 sa Kapamilya stars, pasok sa Top 10 ng 100 Most Beautiful Women in the Philippines 2013

110713 abs stars

BONGGA naman ng beauty nina Angel Locsin at Maja Salvador. Naisama kasi ang dalawa sa listahan ng 100 Most Beautiful Women in the Philippines for 2013, ang online poll ng sikat na entertainment blog na Starmometer na nilahukan ng libo-libong fans sa Twitter at Facebook.

Si Angel ang nakakuha ng titulong Most Beautiful Pinay at tinalo ang iba pang 99 Filipina celebrities sa nakalap niyang kabuuang boto na 1,631,590. Iniluklok naman ng netizens sa ikatlong puwesto si Maja na may 544,598 boto. Nanguna rin si Angel sa taunang Most Beautiful online poll noong 2006, 2007, 2008, 2009, at 2010.

Sa resultang ito, muling nagreyna ang ABS-CBN sa resulta ng online poll ngayong taon dahil siyam na puwesto ang nakuha ng Kapamilya stars sa Top 10 list. Pasok sa listahan sina Sarah Geronimo sa no. 2, Karylle sa no. 4, Kim Chiu sa no. 6, na sinundan nina Bea Alonzo, Anne Curtis, Jewel Mische, at Jessy Mendiola.

Maricris Valdez Nicasio

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top