Sunday , September 20 2020
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Sobrang galante pala ni Erap

Sobrang galante pala ni Erap

00 Bulabugin JSY

IBANG KLASE pala talaga ang pagka-GALANTE ni korap ‘este mali’  Erap …

Mantakin ninyo kalakip pala ng epal ‘este’  APOLOGY niya sa Hong Kong ay ang US$75,000 na ang katumbas po nito ay HK$40,000.

Ayun, lalo tuloy NAINSULTO ang mga taga-HONG KONG.

Hak hak hak!!!

At ang mangyayari pa pala rito ay ‘FUND RAISING.’

Mangingilak ang isa sa mga AYUDANTE ni ERAP na si Bernie P., ‘este’ Ang ng kontribusyon mula sa federation of Chinese ‘tax evaders.’

‘Yung mga malilikom nila ay ‘yun daw ang ibibigay sa HONG KONG government.

Akala ko pa naman bukal sa kanyang loob ang paghingi ng paumanhin kalakip ang dolyares ni Erap … ‘e ipangingilak din pala …

Ay sus talaga!

Ang dami ng problema ngayon sa Maynila pero mas inuuna pa nila na humingi ng paumanhin sa Hong Kong ‘e may maitutulong ba ‘yan sa atin!?

By the way, ‘yung namatay ba na Filipina doctor sa Tiananmen Square Beijing China  ‘e dapat bang ihingi rin ng paumanhin ng China sa Philippine government gayong ang may gawa ay iisang taong nauulol na gaya ng nasirang si Rolando Mendoza?!

Pakisagot nga po.

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://www.hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top