Sunday , September 27 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Gabby Concepcion pag-aagawan nina Cristine Reyes at Alice Dixson

Gabby Concepcion pag-aagawan nina Cristine Reyes at Alice Dixson

BALIK sa paggawa ng romantic drama movie si Gabby Concepcion.

Yes, at sa latest movie ng actor na “When The Love is Gone” under Viva Films ay pag-aagawan siya nina Alice Dixson (asawa niya sa movie) at kabit na si Cristine Reyes. Hindi lang nakipagsabayan si Gabby sa husay ng mga artistang kasama including Andi Eigenmann at Jake Cuenca, hindi rin nag- pakabog ang actor sa mga sexy scenes sa pelikula na bukod sa bed scenes with Alice and Cristine ay nagsuot pa ng trunks na sight ang kanyang bukol. O di ba? At his age kayang-kaya pa ni Gabo ang mag-daring. Well, ipinagtanggol siya ng kanyang fans especially ng mga bading na supporter na kaya physically fit pa rin hanggang ngayon ang kanilang idolo at hindi tumatanda ay dahil maalaga raw sa sarili. Talagang continues ang gym at syempre nagte-take rin ng vitamins for his health at pili rin ang mga kinakain. Aba’y dapat gayahin ng ibang actor riyan si Gabby nang sila rin ay pwedeng magpa- kita ng katawan at late 40s. Ipapapalabas na sa November 27 ang “When The Love is Gone” na idinirek ni Andoy Ranay. Bahagi ang film na ito ng 32nd Anniversary ng Viva Films sa movie industry. Inspired pala ang nasabing pelikula sa hit movie noong 80s ni direk Danny Zialcita na “Nang Magalit ang Buwan sa Haba ng Gabi.”

WALA NGA BANG KASALANAN SI GERALD? ABANGAN SA HULING DALAWANG LINGGO NG BUKAS NA LANG KITA MAMAHALIN

Nakagugulantang na mga rebelasyon ang mapapanood ng TV viewers sa toprating primetime action-drama series ng ABS-CBN na “Bukas Na Lang Kita Mamahalin” na magtatapos na sa Nobyembre 8 (Biyernes). Sa huling dalawang linggo nito, tuklasin ang mga bagong ebidensyang nakalap ng bidang karakter ni Gerald Anderson na si Miguel (Gerald) na lalantad sa tunay na nanggahasa kay Carla (Diana Zubiri). Tuluyan na bang mabibigyan ng hustisya ni Miguel at ng kanyang ina na si Zenaida (Dawn Zulueta) ang kanilang pamilya? Wala nga bang kasalanan si Miguel sa naganap na krimen o siya ang susi sa paglabas ng buong katotohanan sa likod nito? Huwag pakawalan ang mas kaabang-abang na tagpo sa huling dalawang lingo ng “Bukas Na Lang Kita Mamahalin,” pagkatapos ng “Maria Mercedes” sa ABS-CBN Primetime Bida. Para sa mga eksklusibong impormasyon, pictures, at videos, mag-log on sa official social media accounts ng “Bukas Na Lang Kita Mamahalin” sa Facebook.com/BNLKM.TVat Twitter.com/BNLKM_ TV.

“THAT’S MY TAMBAY” NG EAT BULAGA MAGBIBIGAY INSPIRASYON SA MGA MANONOOD

Last Thursday ay inumpisahan na ng Eat Bulaga ang bago nilang Pakontes sa ere na “That’s My Tambay.” Maganda ang layunin ng EB Dabarkads at pamunuan ng show sa nasabing segment na magbibigay ng chance sa lahat ng mga Dabarkads nating Tambay. Sa pamamagitan ng nasabing pakontres ay puwede pang umasenso ang mga Tambay.

Yes, ang premyong cash na puwedeng mapanalunan ng daily winner, weekly finalist hanggang sa grand final ay puwede nilang gamitin sa paghahanap ng trabaho o kaya ay sa pag-aaral. Sa pamamagitan ng Bulaga ay matutupad ang isang pangarap na magbibigay ng kaluwagan sa buhay. Kaya kung ikaw ay isang Tambay, mag-audition na sa Broadway Studio, Lunes hanggang Biyernes from 3 PM to 5 PM at ipakita ang inyong angking talento.

So galingan n’yo para maging part ng That’s My Tambay.

Peter Ledesma

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top