Tuesday , September 29 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Derek at Cristine, mas tumibay ang frienship (Nang magkahiwalay bilang lovers)

Derek at Cristine, mas tumibay ang frienship (Nang magkahiwalay bilang lovers)

SA event ng PLDT-Smart Foundation’s Gabay Guro namin nakausap ang aktor na si Derek Ramsay. Sixth year na ang nasabing yearly gathering bilang pagbibigay-pugay sa ating mga educator. And whenever he has the time naman pala, talagang dumadalo si Derek not just to grace the occasion but to host it.

“Mataas ang respeto ko sa mga teacher. Sila ang second parents natin when we’re in school and sila rin ‘yung hindi gaanong appreciated for all the works they do. This is my fourth year na sa pagsama sa event. Noong una, appearance lang. Kasama ko pa si Angel (Angelica Panganiban). Every year, ginagawa ko na. Kahit gaya now, galing pa ako ng taping, I make it a point to be part of it. My way of giving back.”

I asked him the same question na inihain ko kay Martin Nieverra-if he was bullied or was he the bully.

“I was never in that situation. Kasi I was very much into sports. Noong high-school, ang natatandaan ko lang, ako ‘yung kasama na lumalaban sa mga nagbu-bully in school. Noong nag-aral ako here in the Philippines, ganoon pa rin ang ginagawa ko. Ipinagtatanggol ko kung may nakikita akong mga bata na inaapi. ‘Yung mga tinatawag na losers sa school. And there were even times na inuuwi ko sa bahay ang mga inaapi in school. And when Christmas comes, I get them to spend Christmas with me and my family. My Dad calls them ‘refugees’-no offense meant. Natutuwa lang siya kasi. That was my way din of standing up against Racism. Kaya you can see, mahilig talaga ako sa mga bata. Eh, when I got into college na, ang talent ko na matulog. Ha-ha! Kaya, sino ang bu-bully sa akin?”

Puwede na bang kumustahin ang leading lady niya sa Trophy Wife (na may iba na ‘atang title?) na si Cristine (Reyes)?

“We’re good. Hindi naman kami nag-away. It was a mutual understanding. We both spoke about it. Disenteng babae si Cristine. At hindi mawawala ang respeto ko sa kanya. So, noong mag-show kami in Hawaii, hindi naman kami sabay na pumunta roon so, hindi kami magkasama sa plane. Nauna ako. I think she came a day after. Noon pa lang kami lumabas, with mga kasama sa show. At first, there was ilangan kasi that was the first time na nagkita kami after the break-up.

“There was a period kasi na you do your thing, I do my thing. Maganda naman ang naging pag-uusap namin. Kaya, wala ‘yung sinasabing violent reactions. Parang tumaas lang ang level ng friendship. Kasi nga, before we got into it, magkaibigan na talaga kami. And when I am in a relationship naman, nagtatagal.

“Kung kailan maaayos as in if there would be a reconciliation or getting back together-I don’t know. I think we’re most comfortable with the decisions we came up with now. She continues to be close to my family. She’s good friends with my parents. So, I hope malinawan lang na hindi kami nag-away. So, as far as our work is concerned, we owe it to the people we’re working with kaya hindi ‘yun makaaapekto sa trabaho namin. We’re okay now. I am okay. Loveless muna.”

Pamilyang nagkawatak-watak dahil sa lotto

ANG biyaya ng loterya para makabili ng bahay ang siya rin palang magsasadlak sa isang pamilya sa isang ‘di kaiga-igayang buhay at nakapanghihilakbot na kuwento sa ibinahaging istorya ng MMK (Maalaala Mo Kaya) noong Sabado, November 2 sa ABS-CBN.

Itinampok sa nasabing istorya sina Irma Idlawan at Bembol Roco bilang ang mag-asawang sina Minda at Paeng. Na ang pangarap naman sa buhay eh, magkaroon sila ng isang ideal na family.

Pero hindi naging suwerte ang hatid ng bagong bahay nila para lalo silang mapalapit sa isa’t isa bagkus ito ang naging susi para magkawatak-watak silang lalo.

For Halloween special ang istoryang napanood na kasama rin sina Ina Feleo, Alex Castro, Mico Aytona, Pierro Vergara, at Yanna Asistio mula sa direksiyon ni Garry Fernando, sa panulat ni Benson Logronio, at saliksik ni Agatha Ruadap.

Pilar Mateo

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top