Sunday , September 27 2020
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Congrats Barangay Chairman Allan Unarse!

Congrats Barangay Chairman Allan Unarse!

00 Bulabugin JSY
MAINIT na pagbati ang ipinararating ng HATAW kay newly elected Punong Barangay ALLAN O. UNARSE ng Barangay 587-A Zone 58 sa kahabaan ng Ramon Magsaysay Blvd. at V. Mapa St., Sta. Mesa, Maynila.

Landslide na landslide po ang victory at ang naging hatol ng mga kabarangay ni P/B Unarse laban sa dalawa niyang katunggali sa katatapos lamang na halalang pambarangay. Kung kaya naman lubos-lubos ang PASASALAMAT niya sampu ng kanyang pamilya sa mga bumoto at nagbigay ng pagkakataon na mailuklok sa puwesto para makapaglingkod sa pamayanang nasasakupan.

Pinasalamatan din niya ang inyong lingkod, ang pahayagang HATAW at mga taong sumuporta sa kanyang kandidatura, gayon din ang mga nanalangin na mapagwagian ang nakaraang halalan.

”Sa mga nagwagi at sa mga nasawi, isang araw lamang ang halalan ngunit ang ating pagsasama ay habambuhay kung kaya’t magsama-sama na lamang, magtulungan at kalimutan ang hidwaang politika para sa kaayusan at katahimikan ng ating barangay,” ito ang panawagan na may kalakip na pakiusap ni Chairman Unarse.

Ang paalala lang ng mga constituents …Huwag kalimutan si “Jess” at “Edita,” ang dalawang tauhan na may napakahalagang papel na gagampanan sa panunungkulan sa baranggayan.

Mabuhay ka P/B Unarse! Good Luck!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://www.hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top