Saturday , September 26 2020
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Rene Villa ng LWUA kung may delicadeza ka mag-resign ka na!

Rene Villa ng LWUA kung may delicadeza ka mag-resign ka na!

00 Bulabugin JSY

NAMIMILIPIT ang PAGPAPALIWANAG at PAGRARASON ni Local Water Utilities Administration (LWUA) chair RENE VILLA.

Parang nakabaluktot na ‘BAKAL’ na pilit itinutuwid ni Villa ang kaugnayan niya kay P10-billion pork barrel scammer Janet Lim Napoles.

Inamin niya na naging abogago ‘este’ abogado siya ni Napoles sa JLN Corp., pero wala raw siyang kapangyarihan para alamin kung saan kinukuha ang ipinambabayad sa kanya.

Ang napakinabangan umano niya kay Napoles ay cash at isang Toyota pick-up.

Ang hirap magsinungaling ano po, Mr. Villa?!

‘E ‘di ba nga ‘yang JLN Corp., ang ginamit ni NAPOLES para sa ‘PANDARAMBONG’ ng PORK BARREL ng mga SENADOR at Congresman?!

‘E kung hindi pa nalantad sa PUBLIKO na naging abogado ka ni Napoles ‘e ‘AAMIN’ ka ba ngayon?!

Ngayon dahil nabuking na kayo, mas dapat siguro na mag-RESIGN ka na, LWUA chair RENE VILLA.

Kung si Bryan Yamsuan ay sinibak dahil sa ginawang pagtulay kay Napoles sa Inquirer ‘e bakit hindi ka masibak rin sa iyong pwesto?

At kung talagang concern kayo sa administrasyon ni Pangulong NOYNOY, aba ‘e ‘yan ang pinakamaganda ninyong gawin … RESIGN!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.7630 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://www.hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top