Wednesday , September 30 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Paulo, ‘di raw totoong dumaan sa depression

Paulo, ‘di raw totoong dumaan sa depression

IN fairness, hindi tinanggihan ni Paulo Avelino na makasama sa isang project si Angel Locsinat ito ang teleseryeng The Legal Wife.

“Hindi ko naman tinanggihan,” agad nitong pahayag. ”Pero I was considered as one of the cast and that time naman medyo komplikado kasi sa mga nangyayari sa akin at siguro dala rin ng pagod at mga personal issues. Hindi ko naman tinanggihan dahil ayaw ko pero I was just being asked, being considered to do it and apparently, ‘di ko pa kaya ng mga panahong ‘yun. Siguro, normal lang naman sa tao ang nalulungkot, sumasaya but I won’t call it depression. I will call it something …, ahhh siguro, normal lang talaga mapapagdaanan ng isang tao ang ganoong sitwasyon. Mabuti naman, times heals. Oras lang talaga, oras to think about things.”

Maraming natuwang press sa pag-open ng aktor sa mga katanungan na noon ay ’no comment’lang ang lagging kasagutan at naganap ito sa presscon ng Honesto na nagsimula nang umere nitong Lunes pagkatapos ng TV Patrol.

Aniya, ang pagsagot niya sa mga katanungan ng press ay hindi nangangahulugan ng pagiging honest dahil para sa kanya, isa ito sa pag-open sa mga bagay tungkol sa kanyang buhay de pamilya although agad naman siyang nagbigay-pahayag na hindi naman lahat ay puwedeng sabihin dahil personal na buhay na ang mauungkat. Tulad ng pag-amin nito na sa ngayon ay isa siyang single and naging complicated lamang dahil sa kanilang anak ni LJ Reyes na si Ethan, 3 years old.

Hindi rin nito ipinagkait na malaman ng press na matagal na silang hiwalay ni LJ kahit halatang napipilitan lang ito sagutin ang tanong kung may schedule of visitation sa kanyang anak. ”Ayaw ko naman magbigay ng specific date pero parang … ahhh … ahh, medyo. As much as possible I want to see my son pero with my hectic schedule na usually 3:00 a.m. na kami nagpa-pack-up, I need to rest, too. Pero sinisiguro ko na may oras ako para sa bata.  Kung wala akong ginagawa, I tried as much as possible to spend my time with my son,” pahayag nito at bilang karagdagan napag-alaman namin na tatlong project ang kanyang pinagkakaabalahan sa ngayon, dalawang pelikula at ang Honesto.

Isang pagpapatunay lang ito na walang katotohanan ang balitang sa sobrang pagka-depress nito ay nagtangka na itong magpakamatay. Aniya, ”It’s not true, it’s not true.  First of all, I am here. Noong pumutok ‘yung balita, I was working at diretso-diretso ‘yun for the whole week. Nagulat din ako, actually nagising na lang ako may tumatawag sa akin at nagtatanong, ‘ahhhh, dito lang ako natutulog’. Hindi naman apektado sa ganoong balita, I wont be affected by something it’s not true.”

Although ngayon lang tahasang inamin ng aktor na hiwalay na sila ng aktres ay pangiti-ngiti lang ito sa tanong kung handa na ba ito sa panibagong relasyon. ”Well, magmamahal uli ako pero I will not rush it pero kung ibibigay, may darating at mararamdaman ko, bakit hindi. Mabuti naman at nagkaroon na ako ng isang teleserye, I’m very proud to have teleserye dahil ‘yun talaga ang isa sa asal (honesty) nating mga Pinoy ang importante talaga at kailagnan natin lahat. Kailangan talaga natin lahat ang maging honest at sana, makita ng mga manonood ng ‘Honesto’ kung gaano talaga kahalaga ang katapatan sa lipunan natin.”

Inamin nito na ang Honesto ay napapanahong proyekto sa mga nangyayari ngayon sa politics,”Yes, because the projects is very timely because everything is happening now but we wouldn’t limit it sa mga nangyayari sa gobyerno natin. Kumbaga, sa personal lives natin, ang dami rin nating kasinungalingan. There’s a lot of situations we need to be honest and the people around too. Dapat maturuan ‘yung mga bata ngayon para as they grow up matutuhan nila ang value of honesty.”

First time kay Paulobang gumanap ng full lenght role ng isang ama sa isang teleserye and so far nag-enjoy siyang katrabaho si Raikko Mateo aka Honesto kahit iilang eksena pa lamang ang nakunan sa kanila. ”Okey, so far very jolly ang bata. Base on what we’ve done sa photo shoots and teasers, okey naman. Magaan katrabaho. May mga eksena rin sa ‘Honesto’ na pinagkukunan ko ng lakas dahil nakare-relate ako rito on my personal life.”

Base sa mga kasagutan ng aktor at konsepto ng teleserye na may kinalaman sa ‘honesty,’ dito siya nakorner ng press para magsabi with all honesty tungkol sa kanila ni LJ. Aniya, ”Siguro, I have been answering questions, hindi naman ako nagsinungaling. Marami lang kasing very private questions at marami rin namang parte ng buhay ko na hindi ko dapat i-expose sa publiko. I just want my personal life away from public.”

Dagdag pa nito,  medyo may inamin siya sa paghihiwalay nila na base sa kanilang mutual understanding at tungkol sa gastos sa bata ay nag-request siyang ibalato na lang ito sa kanya. Therefore hindi garantiya sa isang pagsasama na kahit ilayo sa publiko ay hindi ito panghabambuhay. ”Siguro, depende rin ‘yan sa mga taong nasa paligid kasi kung ako ang masusunod, I want it to last. Ganyan siguro, you fall in love, you fell out of love.”

Maliban kina Paulobat Raikko sa title role ay kasama rin ang mga award-winning ang seasoned actors tulad nina Eddie Garcia, Janice de Belen, Angel Aquino, Nonie Buencamino, Joel Torre, Melissa Ricks at ang baguhang si Joseph Marco. Kasama rin dito sina Melai Cantiveros, Jason Francisco, Michael Conan at in a special role naman sina Spanky Manikan at Maricar Reyes. This is under the direction of  Jerry Seneneng at Darnel Joy Villaflor for Dreamscape, ang grupong lumikha ng drama series na May Bukas Pa, 100 Days In Heaven, Walang Hanggan  at Juan dela Cruz.

Alex Datu

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top