Tuesday , September 29 2020
Breaking News
You are here: Home / News / Ochoa-Roxas rift tumitindi (Palasyo tumanggi)

Ochoa-Roxas rift tumitindi (Palasyo tumanggi)

ITINANGGI ng Malacañang ang lumalalang hidwaan nina Executive Sec. Jojo Ochoa at DILG Sec. Mar Roxas kaugnay sa naging televised statement ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III para linawin ang Disbursrment Acceleration Program (DAP).

Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, walang katotohanan ang nasabing intriga sa hanay ng gabinete.

Nauna rito, lumabas ang balitang itinago ni Roxas ang statement ni Pangulong Aquino kay Ochoa at last minute na naabisohan.

Hindi rin daw nasabihan ang ibang miyembro ng tinaguriang “Samar group” na kinabibilangan ni Communications Sec. Sonny Coloma.

Napag-alaman din ayaw daw ni Ochoa na paharapin mismo ang Pangulong Aquino dahil lalabas lama) taga-depensa ng mga taga-Liberal Party (LP) na may mantsa sa kanilang imahe.

(ROSE NOVENARIO)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top