Thursday , April 25 2024

Kulit Bulilit, The Lady Wins wagi sa PHILRACOM incentive race

Bagama’t naantala, naging matagumpay naman ang inilunsad na Philippine Racing Commission (Philracom) Incentive race sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite nitong Linggo.

Nagwagi sa 2 year old non-placer ng Philracom Incentive race ang Kulit Bulilit ni Arman Chua matapos pakainin ng alikabok ang mga kalaban.

Tinalo ni Kulit Bulilit ang anim na kalaban matapos ma-scratch sa laban ang kalahok na Con Te Partiro ng A.M. Pamintuan stable.

Pinagkalooban ng P.3 milyon ang Chua stable habang 112,500 ang pumangalawang couple entry na Red Flash at Royal Jester, pumangatlo naman ang Jazz Gold Heart na nag-uwi ng P62,500 at P25,000 sa pumang-apat na Sweet Daddy’s Girl.

Sinasabing unti-unti nang nakababalik sa porma si horse owner  Partrick Uy matapos magwagi ang kanyang alagang The Lady Wins sa 3 year old winner division ng Insentive race.

Tumataginting na P.3 milyon din ang ipinagkaloob na premyo sa nanalong The Lady Wins habang P112,500 sa pumangalawang alaga ni Eric Tagle na  High Grader, nag-uwi naman P62,500 ang pumangatlong  si Veni Vidi Vici at P25,000 sa pang-apat na Chelzeechelzechels.

Sa darating na Nobyembre 10 bibitawan naman ang Grand Sprint Championship sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite .

Maglalaban para sa distansiyang 1,000 meters ang mga kalahok na C.Bisquick,  Fierce and Fiery, Lord of War,  Si Senior, Sharpshooter, Don Albertini  at Tiger Run.

Nakalaan  ang P1-milyon papremyo na ang magwawagi ay tatanggap ng tumataginting na P.6 milyon mula sa Philracom.

Ni andy yabot

About hataw tabloid

Check Also

Daluz vs Dableo Chess

FM Daluz naghari sa Kamatyas Open chess tilt

Final Standings: (Open Division, 8 Rounds Swiss System) 7.5 points—FM Christian Mark Daluz 7.0 points—IM …

Game On The Podcast

Sports chikahan hatid ng Game On! Podcast

GOOD news para sa sports enthusiasts dahil pwede nang mag-tune in sa pinakaunang sports podcast …

NYBL Butz Arimado TOPS PSC

NYBL Inter-Cities lalarga sa Mayo 4

ISASAGAWA ng National Youth Basketball League (NYBL) ang 2nd Inter-Cities and Municipalities basketball championship  sa …

Philippine athletics TOPS PSC

Philippine athletics meet tatakbo na

Manila — Inilalagay ng Philippine Athletics Track and Field Association ang kanilang pinakamahuhusay na atleta …

BUCAA Bulacan Daniel Fernando

Sa Liga ng Palarong Basketball ng BUCAA  
MAGLARO NANG MAY PUSO — GOV. DANIEL FERNANDO

“MAGLARO kayo nang may puso. Ipakita ninyo ang pagmamahal ninyo sa sports. Tandaan ninyo, ang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *