Saturday , September 26 2020
Breaking News
You are here: Home / News / Ina ni Recto binangungot sa Cambodia

Ina ni Recto binangungot sa Cambodia

PUMANAW na ang ina ni Senate President Pro-Tempore Ralph Recto na si Carmen Gonzales Recto nitong Sabado sa Cambodia, ayon sa ulat na natanggap ng opisina ng senador.

Si Mrs. Recto, 72, ay napag-alamang binawian ng buhay habang natutulog habang nasa bakasyon sa Cambodia.

Ayon pa sa ulat, si Recto at ang kanyang pamilya ay nasa Japan nang pumanaw ang kanyang ina.

Sinabi ni Elvie Liwanag, media relations officer ni Recto, ang senador at ang kanyang pamilya ay inaasahang babalik na sa Filipinas.

Nabatid pang ang labi ni Mrs. Recto ay darating ngayong araw sa Filipinas.

Si Mrs. Recto ay kabiyak ng yumaong si dating assemblyman Rafael “Raffy” Recto na pumanaw noong 2008 dahil sa multiple organ failure. (HNT)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top