Tuesday , September 23 2025

Granada itinanim sa LTFRB

110513 LTFRB granadaANG granada na natagpuan sa comfort room sa 3rd floor ng tanggapan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board National Capital Region sa East Avenue, Diliman, Quezon City, na nagdulot ng tensyon sa mga empleyado ng nasabing tanggapan makaraang makatanggap ng bomb threat sa telepono. (RAMON ESTABAYA)

Nagulantang ang mga kawani ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), dahil sa bantang pagpapasabog kahapon sa Quezon City.

Sa pangyayaring iyon, agad na pinalabas ang mga empleyado ng nasabing ahensiya ng pamahalaan upang makaiwas sa posibleng masamang mangyari, ayon kay Police C/Insp. Noel Sublay ng Quezon City Police District-Explosive Ordinance Division (QCPD-EOD).

Ani Sublay, dakong 9:30 ng umaga nang makatanggap ng tawag sa telepono ang isang admin staff ng LTFRB mula sa isang hindi nagpakilalang lalaki hinggil sa bombang sasabog sa kanilang tanggapan.

Sa ginawang paggalugad ng Bomb Squad, narekober ang isang fragmentation grenade sa comfort room na nasa ikatlong palapag ng gusali na nababalutan ng packaging tape kaya’t malabo itong sumabog.

Samantala, susuriin din ng awtoridad ang footage sa closed circuit television camera (CCTV) na nakalagay sa lugar upang matukoy ang may kagagawan ng naturang pananakot.

(JETHRO

SINOCRUZ)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

MPVA Pasay Lady Voyagers

MPVA Season 2: Pasay Lady Voyagers, bagito pero wagi sa opening game

SINIMULAN ng baguhang Pasay Lady Voyagers, na binubuo ng mga miyembro ng Philippine Air Force …

Bulacan

Sa Bulacan
DAAN-DAAN NAGPROTESTA VS KORUPSIYON

“BAHAIN ng galit ang mga buwayang kurakot!” Sigaw ng hindi bababa sa 500 kataong nagmartsa …

bagyo

Super Typhoon Nando lalong lumakas; klase, pasok sa gobyerno suspendido

IDINEKLARA ng Malacañang ang suspensiyon ng mga klase at pasok sa mga tanggapan ng pamahalaan …

Karahasan sa mga kilos protesta 72 arestado sa Maynila

Karahasan sa mga kilos protesta 72 arestado sa Maynila

DINAKIP ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang hindi bababa sa 72 indibiduwal …

Celebrites Rally Protest

Entertainment sector lumahok sa protesta vs multi-trilyong korupsiyon

BUKOD sa sektor ng mga relihiyoso, lumahok sa panawagan ng publiko na labanan ang malawakang …