Tuesday , December 1 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / GMA, naisahan na naman ng ABS-CBN2 (Sa pagkakuha kay Jeron Teng)

GMA, naisahan na naman ng ABS-CBN2 (Sa pagkakuha kay Jeron Teng)

KUNG ipinagmamalaki man ng Channel 7 na nakuha nila ang magkapatid na Paras sa kanilang estasyon, mukhang naisahan na naman sila ng ABS-CBN, dahil nakuha naman ng mga iyon ang mismong MVP ng katatapos na UAAP season, si Jeron Teng, at lumabas na iyon sa kanilang seryeng Got to Believe. Napakataas na ng ratings niyon dahil kay Daniel Padilla, ngayon inilagay pa roon si Jeron, aba eh lalong tataas ang rating niyan.

Kasi kuha ni Daniel ang masa, walang duda roon. Pero mas lalaki ang market ng serye dahil kay Teng. Makukuha na nila pati iyong upper class at iyon mahihilig sa basketball. Talagang desidido na yata silang litisin ang mga kalaban nila. Nangamote na nga iyong “prime time king”  sa kabila, nagdagdag pa sila ng mas matinding pambatak ng ratings.
Ed de Leon

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top