Thursday , October 1 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Dingdong, iginiit na ‘di pa sila engaged ni Marian

Dingdong, iginiit na ‘di pa sila engaged ni Marian

AYAW ng Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes na umabot ng 40 bago siya magpakasal. Hindi raw maiaalis sa isang lalaki na dumaan sa isip nila  ang mag-propose sa girlfriend.

“Isa sa mga bagay din ‘yon na nilu-look forward. Kung kailan man ‘yon ay hindi natin alam, at kung paano. Nakilala ko siya (Marian Rivera) at the right place and at the right time. I think it will also come na there’s a right place and right time for that,” deklara ng 33-anyos na aktor.

Basta ngayon pinaghahandaan niya ang lahat. Magpapagawa na siya next year ng sarili niyang bahay dahil gusto niya stable ang lahat bago siya mag-asawa. Idinenay niya niya na ‘engaged’ na sila ni Marian na nagsimula lang daw sa pang-uurirat ni Kris Aquino.

Nakatuon ngayon ang atensiyon ni Dong sa kanyang serye na dream  niyang mai-guest ang Star For All Seasons na si Gov. Vilma Santos.

Roldan Castro

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top