Wednesday , September 30 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Carla, nilait ng ig followers (Dahil sa pagkapikon ng dalaga…)

Carla, nilait ng ig followers (Dahil sa pagkapikon ng dalaga…)

BASTOS. Rude. Maangas. Those were just how followers of Carla Abellana might have thought of her nang magmaldita ang Kapuso actress sa kanyang Instagram account.

Ang feeling kasi ni Carla  ay ang hina ng pang-intindi ng followers niya sa photo-sharing site.

When she posted a photo of her, Tom Rodriguez and Dennis Trillo na mayroong kasamang schedule ng concert nila for My Husband’s Lover sa Maryland, USA sa November 30 ay marami pa rin ang parang tangang nagtanong kung saan at kailan ang concert.

Doon na yata napikon si  Carla sa  tila may kabobohan niyang followers kaya naman nag-post siya ng mensahe na ganito, ”Hindi niyo po ba nababasa ‘yung nasa picture? I post the exact venue on the photo pero dami pa rin nagtatanong kung saan ang venue. It’s already on the picture people.”

Marami ang na-turn off na followers ni Carla. Kung ano-ano tuloy ang lait na inabot niya.

Actually, tama naman si Carla. It doesn’t make sense na magtanong pa ang followers niya kung saan at kailan ang concert ng MHL dahil nakalagay na ‘yon sa Instagram post niya.

But since she’s a celebrity ay nabahiran ng panlalait ang ginawa ng dalaga.

Caterer na nanlait kay Bea, humingi na ng sorry

NAG-SORRY na ang caterer na nanlait kay Bea Alonzo during the taping of Kris TV.

Nagpaliwanag ang hitad na hindi naman niya intention na siraan si Bea sa social media.

“This is in response to fashionpulis.com posting my personal thoughts on facebook regarding my personal experience at Bea Alonzo’s home. It is with great sadness that such a mishap and misunderstanding happened. I was providing my services au gratis upon the request of the production team. Bea, I apologize for the strong words I used while I was angry because I was also hurt,” the caterer posted.

“The thoughts I posted was done at the spur of the moment to a small set of true friends whom I thought I was just confiding with.   I had no intentions on inflicting damage to your public persona. And to her fans and followers, I also would like to apologize to you if my words brought you any hurt,” dagdag pa niya.

Nag-apologize rin ang caterer kay Kris Aquino.

“I apologize to Kris Aquino and ‘Kris TV’ staff for this incident. I am grateful for the opportunities you have extended thus far.”

Ipinost ng caterer ang panlalait kay Bea dahil pinalayas daw siya nito during the taping of Kris TV.

Kaagad na rumesbak ang fans ni Bea sa caterer.

“Sabi nga ng ibang nag-comments sa fashion pulis kung si Bea nga raw na kilala na at may malaking pangalan nagawang bastusin ng babaeng ‘yan what more pa kaya sa mga simpleng tao lang na nakakasalamuha nya,” sabi ng isang maka-Bea.

“Si Bea wlang bahid na kamalditahan yan. Hindi 2Lad nng iba ryan! PALINGKERA! Shut the gobz. CATERER ka lang!” pagtatanggol naman ng isang guy sa aktres.

“Sino ka rin ba at ngpapansin ka kay Bea? Bakit anak ka ba ni presidente =? Ambisyosang PALAKA! Gusto mo rin yata sumikat gamit si Bea na subrang sikat. Cheee!” pananaray naman ng isang Bea supporter.

Alex Brosas

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top