Monday , September 28 2020
Breaking News
You are here: Home / News / STL sa Quezon papalitan ng 2 gambling lord

STL sa Quezon papalitan ng 2 gambling lord

Lucena,City—Nanganganib mapalitan ng dalawang gambling lord  ng operasyon ng  Small Town Lottery (STL) sa lalawigan ng Quezon, matapos mapag-alaman na hindi na nagpapakita sa mga politiko, PNP opisyal at ilang mamamahayag na malapit sa Jueteng Queen ng Southern Tagalog na si Rosario (Charing) Magbujos.

Ayon sa nakalap na impormasyon, may mabigat na karamdaman ang Jueteng Queen Rosario Magbujos, kaya pansamantalang  isinalin muna ang kanyang ‘trono’ sa kanyang anak na si Joey.

Dagdag pa, hindi raw marunong ang anak makisama sa malalapit na kaibigan ng kanyang ina.

Kaya napagkaisahan ng ilang malalapit na kaibigan na kung maaari ay i-turn-over na ang kanyang Small Town Lottery (STL) sa dalawang Jueteng King na sina, Bong Pineda ng Pampanga at Press Salud ng lalawigan ng Batangas.

(Raffy Sarnate)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top