Tuesday , September 29 2020
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Ipagdasal natin si Pasay City Mayor Antonino Calixto

Ipagdasal natin si Pasay City Mayor Antonino Calixto

BULONG ng isang taga-PASAY CITY, dapat daw ipagdasal si Mayor Antonino Calixto.

Kasi nga, naikolum natin na hindi sila nagkadaupang-palad ni Pangulong Benigno Aquino III sa Metro Manila Council Meeting nitong nakaraang linggo sa Palasyo dahil bigla nga raw tumaas ang blood pressure ng alkalde.

‘E after pala ng pangyayaring ‘yun ‘e nagpatakbo na sa Makati Medical Center si YORME TO-CALIX para magpa-EXECUTIVE CHECK UP.

Kaya ipagdasal po natin siya na sana naman ay magkaroon siya ng CLEAN HEALTH BILL.

Aba ‘e maraming malulungkot kapag hindi maganda ang kalagayan ng kalusugan ni Yorme.

Unang-una na si Bing ‘kontrata’ Lintekson, Dyanet suso, si Boyet Dorobo, si Bongbong sirano … lalo na ang kanyang anak…

Kaya there’s a need daw talaga to pray for the eternal rest ‘este’ clean health bill of Mayor To-Calix.

Ikaw naman Mayor, hindi ka kasi nag-iingat sa iyong health… maawa ka naman sa mga gumagamit sa iyo ‘este’ nagmamahal sa iyo.

Please stay healthy!

Iwas muna sa puyat … iwas muna sa kabayo…iwas muna sa mga meeting sa Midas hotel, Resorts World casino at Solaire casino…

Yorme, concern lang kami ha!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://www.hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top