Wednesday , September 30 2020
Breaking News
You are here: Home / News / Dalagita natusta sa Fairview FIRE (Gamit binalikan)

Dalagita natusta sa Fairview FIRE (Gamit binalikan)

TODAS ang isang dalagita, makaraang masunog ang kanilang bahay sa Quezon City kahapon.

Kinilala ang biktimang si April Rose dela Cruz,14, nakatira sa Republic Ave., Brgy. West Fairview sa nasabing lungsod.

Base sa paunang ulat, naganap ang pangyayari dakong 2:00 ng madaling araw sa nabanggit na lugar.

Nabatid na nakalabas na ng kanilang bahay ang biktima pero bumalik pa umano siya para kumuha ng gamit kung kaya’t doon na siya nadisgrasya.

Hindi pa malinaw sa mga awtoridad kung ang nakatirik na kandila ang pinagmulan ng apoy o ang gaserang napabayaan.

Mahigit P140,000 ang ari-arian na nilamon ng apoy sa nasabing sunog.

(JETHRO SINOCRUZ)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top