Tuesday , September 29 2020
Breaking News
You are here: Home / Hataw Lifestyle / Ang Zodiac Mo

Ang Zodiac Mo

Aries  (April 18-May 13) Ang gadgets at bagong devices na dapat ay magpapadali ng iyong trabaho ay magdudulot sa iyo ng kalituhan.

Taurus  (May 13-June 21) Mag-ingat sa iyong pagiging arogante. Maaaring seryosohin ng iba ang iyong mga komento.

Gemini  (June 21-July 20) Ang sariling imahe ay maaaring maging mahirap na isyu sa iyo. Maaaring ipininta mo ang iyong sarili sa katauhang hindi naman ikaw.

Cancer  (July 20-Aug. 10) Pakiramdam mo’y wala kang mapagbalingan. Ang katotohanan ay mahirap harapin.

Leo  (Aug. 10-Sept. 16) Malakas ang iyong loob. Kaya mong lusutan ang ano mang sigalot.

Virgo  (Sept. 16-Oct. 30) Pakiramdam mo’y ikaw ang tagapamagitan ng dalawang kampo, o maaaring ikaw ang kailangan ng tagapamayapa.

Libra  (Oct. 30-Nov. 23) Mag-ingat sa pagtrato sa lahat ng bagay bilang personal na opensa. Maaaring masaktan ang iyong emosyon sa hindi mainam na aksyon ng iba.

Scorpio  (Nov. 23-29) Maaaring madismaya sa mahirap na tensyong kinasusuungan. Iniisip mong bakit halos lahat ay hindi mo makasundo.

Sagittarius  (Dec. 17-Jan. 20) Maaaring may mamuong tensyon sa mga kaibigan nang isa sa kanila ay mag-akalang hindi na siya pinapansin.

Capricorn  (Jan. 20-Feb. 16) Ang iyong mga pangarap ay maaaring hindi reyalistiko. Mayaman ang iyong imahinasyon.

Aquarius  (Feb. 16-March 11) Sa puntong naging banayad na ang iyong pagkilos, muli namang titindi ang takbo ng sitwasyon.

Pisces  (March 11-April 18) May taliwas na desisyon ang dalawang panig ng grupo kaugnay sa proyekto. Kung sila ay magkakasundo, magtatagumpay kayo.

Serpentarius (Ophiuchus) (Nov. 29-Dec. 17) Maaaring mahirapan kang isulong ang mahirap na sitwasyon. Kailangan mo ng suporta.

Lady Dee

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top