Sunday , September 20 2020
Breaking News
You are here: Home / News / 2 utas, 20 sugatan sa nahulog na bus

2 utas, 20 sugatan sa nahulog na bus

DALAWA ang kompirmadong patay habang 20 ang sugatan matapos bumulusok ang pampasaherong bus kahapon sa Carrangalan, Nueva Ecija.

Bangkay na nang idating sa Nueva Vizcaya General Hospital ang mga biktimang sina Christy Lauyan, 37, at Jennifer Tayuto, 18, ng Makati City.

Ayon sa ulat, dakong 12:30 a.m. nang maganap ang insidente sa bulubunduking lugar ng Brgy. Capintalan sa nabanggit na bayan.

Sakay ang mga biktima ng Dalin Bus liner na minamaneho ni Teody Marayag, 36, galing sa Tuguegarao City, nang mawalan siya ng kontrol sa manibela at bumulusok sa 100 metrong bangin ang nasabing sasakyan.

Ang nasabing bus ay paluwas sana sa Maynila. (JETHRO SINOCRUZ/BETH JULIAN)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top