Sunday , November 29 2020
Breaking News
You are here: Home / News / Kelot agaw-buhay sa kabayo

Kelot agaw-buhay sa kabayo

LAGUNA – Agaw-buhay ang isang lalaki nang  mabundol niya habang lulan ng motorsiklo ang kabayong tumata-wid sa Manila East Road, Brgy. Burgos, Bayan ng Pa-kil, Laguna, kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ni Senior Insp. Jojo Sabeniano, OIC ng pulisya, kinilala ang biktimang si Delan Macuha Salamat, 24, walang asawa, residente ng Brgy. Gonzales, Pakil, Laguna.

Sa imbestigasyon ni PO3 Anthony Francisco, pauwi na ang biktima lulan ng motorsiklo nang isang kabayo ang biglang tumawid sa kalsada.

Hindi na nagawang makapagpreno ng biktima kaya nabundol ang kabayo.

Bunsod nito, sumemplang ang motorsiklo at una ang ulong bumagsak sa kalsada si Salamat.                 (BOY PALATINO)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top