Monday , April 22 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Isabel, bukod-tanging GF ni John na boto ang pamilya’

Isabel, bukod-tanging GF ni John na boto ang pamilya’

MASASABI ni John Prats na sa lahat ng mga naging girlfriend niya, kay Isabel Oli boto ang kanyang buong pamilya. Tinatanong daw kasi siya ng mga ito kung kailan niya pakakasalan si Isabel.

“Parang may something different this time. Parang sa past relationships ko naman, wala namang nagsabi na ‘kailan ang kasal?’ But this time parang everyone’s asking, ‘kailan ba ang kasal?’ Pakasalan mo na, Naku excited na kami.’ Lahat ganoon. Parang weird. First time kong na-experience at na-excite ako,” sabi ni John.

Samantala, ang gag show na Banana Split na isa sa casts nito si John ay ipinagdiriwang ngayon ang ika-limang anibersaryo. At bilang bahagi ng kanilang pagdiriwang ay nag-tape sila ng concert na ang unang bahagi ay mapapanood sa November 2 at ang part 2 ay mapapanood naman sa November 9. Special guest sa concert ang cast ng youth-oriented show na Luv U, ang Top Four ng The Voice of the Philippines na sina Myk Perez, Klarisse de  Guzman, Janice Javier, at Mitoy Intong ang young actors na sina Arron Villaflor at Arjo Atayde at si Vice Ganda.
Rommel Placente

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top