Tuesday , September 29 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Kris, nagpasalamat kay Sir Chief dahil ‘di natuloy ang movie nilang Be Careful With My Heart

Kris, nagpasalamat kay Sir Chief dahil ‘di natuloy ang movie nilang Be Careful With My Heart

LAKING pasalamat ni Kris Aquino kay Richard Yap alyas Sir Chief dahil hindi na tuloy ang movie version ng Be Careful With My Heart ngayong Metro Manila Film Festival 2013.

“I’m so happy na hindi kayo sumali sa festival. Praise God,” sabi ng TV host sa aktor nang ma-feature sa Kris TV ang restaurant nito sa Tomas Morato.

“Kasi kami ang nag-benefit niyon. ‘My Little Bossings’ kasi same audience tayo, family audience. So kayo namahinga, praise God, thank you so much. Parang sabi ko, what did I do to deserve this, thank you.”

Pangangatwiran naman ni Richard kay Kris na, ”kasi I said, ikaw ang kalaban namin kaya nag-back out kami.”

Ang hectic schedule ng taping ng BCWMH ang idinahilan ni Richard kay Kris kaya hindi sila natuloy sa MMFF.

“Well, we all want is to do something new. But at this point in time, we are very happy. Blessed kami na we still have the show kasi lahat ng tao na who’s working with us may trabaho lahat,” say ng aktor.

Samantala, ngayong araw, Martes ang huling shooting nina Kris at Bimby para sa Little Bossings at nakatakda silang umalis na mag-iina bukas, Miyerkoles papuntang Japan para magbakasyon hanggang Nobyembre 4, Lunes.
Reggee Bonoan

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top