Monday , September 28 2020
Breaking News
You are here: Home / Hataw Lifestyle / Ang Zodiac Mo

Ang Zodiac Mo

Aries  (April 18-May 13) Nagbabago ang mahalagang bagay sa iyo. Duda ka kung mayroon pa itong kinabukasan o wala.

Taurus  (May 13-June 21) Ramdam mo ang pagiging matamlay ng pangangatawan. Gayunman, wala ka namang sakit kundi pagod lamang.

Gemini  (June 21-July 20) Ang pinakahihintay na romantic encounter ay maaaring makansela o iyong ikadesmaya.

Cancer  (July 20-Aug. 10) Isang bisita sa inyong bahay ang maaaring may dalang hindi kompirmadong impormasyon.

Leo  (Aug. 10-Sept. 16) May darating na sulat o tawag sa telepono mula sa kaibigan o romantic partner. Maaaring may problema siya.

Virgo  (Sept. 16-Oct. 30) Maaaring mayroon kang talento sa sining na hindi mo pa nasusubukan.

Libra  (Oct. 30-Nov. 23) Maaaring nais ng mga miyembro ng pamilya na magkaroon ng pagbabago sa inyong bahay, posibleng sa remodeling, redecorating o refurnishing, ngunit magkakaroon ng hindi pagkakasundo.

Scorpio  (Nov. 23-29) Maaaring magkaroon ng miscommunication sa romantic partner. Magsumikap kang maresolba ito.

Sagittarius  (Dec. 17-Jan. 20) Isang malapit na kaibigan o kasama ang posibleng may problema sa pera. Maaaring humingi siya ng tulong sa iyo.

Capricorn  (Jan. 20-Feb. 16) Gusto mong makasama sa grupo ngunit minsan ikaw ay nag-aalangan.

Aquarius  (Feb. 16-March 11) Isang kaibigan ang hindi dapat pagtiwalaan. Mag-ingat sa kanya.

Pisces  (March 11-April 18) Posibleng may maganap na kakaibang closeness sa inyong dalawa ng iyong kaibigan. Maaaring magkaroon ng mutual understanding.

Serpentarius (Ophiuchus) (Nov. 29-Dec. 17) Labis ang iyong paghanga sa isang tao kaya naman hindi mo nakikita ang kanyang mga kapintasan.

Lady Dee

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top