Tuesday , September 29 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Morenang aktres, ‘di makapagsuot ng sleeveless dahil super itim ang kilikili

Morenang aktres, ‘di makapagsuot ng sleeveless dahil super itim ang kilikili

MINSAN nang naging tampulan ang isang morenang aktres na ito sa mga tsikahan among reporters. Never kasi siyang nakitang magsuot ng sleeveless blouse.

Ang dahilan: mahihiya raw pala ang first movie ni Charo Santos na Itim.

So, anong konek ng morenang aktres sa pelikula noon ni Ma’am Charo directed by Mike de Leon?

Mismong PA (personal alalay) na kasi ng aktres ang nagpatotoo kung gaano kaitim ang kili-kili ng kanyang amo. Umabot pa nga raw sa puntong nagpapahanap ang aktres ng cream bilang pamahid para matakpan ang kanyang mala-uling na underarm.

No wonder, sa aming manaka-nakang panonood ng kanyang teleserye gabi-gabi, not once has this actress worn a sleeveless outfit, puro may mga manggas na kulang na lang pantakip sa kanyang buong katawan.

You want clues? Bukas na lang po, lovey-dovey.

(Ronnie Carrasco III)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top