Tuesday , September 29 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Michael V., nasa TV5 na rin!

Michael V., nasa TV5 na rin!

PUMIRMA na rin kamakailan ang batikang komedyanteng si Michael V sa TV5 para maging host ng Killer Karaoke Pinoy Naman na magsisimula na sa November 16.

Kasama sa naganap na contract signing ang President at CEO ng TV5 na si Noel Lorenzana at ang Chief Entertainment Content Officer na si Wilma Galvante.

Ayon kay Michael, hindi siya exclusive artist ng GMA7 o hindi siya pumipirma ng exclusive contract saan mang network dahil ayaw niyang matali o ma-restrict ang creativity niya. Kaya naman puwede siyang maglagare sa kung saan mang network. Idol din daw niya sina Vic Sotto at Joey de Leon na puwedeng tumawid sa ibang network.

Sinabi pa ni Michael na gusto niyang i-guest ang kanyang kaibigang si Ogie Alcasid sa nasabing show.

Maricris Valdez Nicasio

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top