Wednesday , September 23 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Kathryn at Daniel, malakas ang kilig factor sa fans —Isabel Granada

Kathryn at Daniel, malakas ang kilig factor sa fans —Isabel Granada

BALIK ABS CBN si Isabel Granada. Bahagi na rin ang Tisay na aktres ng casts ng Got To Believe na tinatampukan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Ginagampanan dito ni Issa ang karakter na si Tessa Zaragosa, asawa ni Jojo Alejar at ina ng 2013 Star Magic Circle na si Jon Lucas, na magiging karibal naman ni Daniel kay Kathryn.

Nasabi ni Issa na bagay ang role niya sa TV series na ito ng Dos, kaya labis siyang natutuwa.

“I’m happy po sa role ko rito, with my Spanish accent, bagay na bagay. Kasi, Spanish speaking kami ni Mama ko (Mommy Guapa). Kaya bagay talaga po sa character ko.

“Anak ko rito si Jon Lucas na karibal ni Daniel kay Kathryn … Kami ‘yung happy family na hindi matapobre kahit na rich… Compared kina Mina (Carmina Villaroel) na rich, pero puro problema naman ang family nila,” saad niya.

Tungkol naman kay Kathryn, bilib daw siya sa young star dahil sa sipag nito at sa pagmamahal sa trabaho. “She is a sweet girl and serious about her work. Makikita mo na dedicated siya bilang aktres, na mahal niya talaga ang kanyang trabaho at gusto niya ang kanyang ginagawa.”

Ano sa palagay niya ang dahilan kung bakit sobrang lakas ang dating sa fans ng tandem nina Kathryn at Daniel?

“I guess it’s because they are both sweet and charming and maganda talaga ang che-mistry nila sa screen e.

“I remember kami ni Chuck (Chuckie Dreyfuss na ka-love team ni Issa noong young stars pa sila), tulad namin noon, alam nila Daniel at Kathryn kung paano pakikiligin ang fans nila. Kaya nakakatuwa talaga ang mga ba-gets na ito.”

Dagdag pa ni Issa, “Malakas iyong kilig factor nina Kathryn at Daniel sa fans, in the house ta-laga e. Nakaka-konek sila sa masa, lalo na sa youth o mga kabataan.

“And sa nakikita ko rin, wholesome rin kasi talaga ang image nila, kaya marami silang fans. Sa tingin ko ay mahalaga rin ito at nakakatulong din ito e.”

Nagpapasalamat din si Issa dahil hanggang ngayon ay active pa rin siya sa pag-arte at pagkanta.

“Of course I’m happy at nagpapasalamat ako. I feel very blessed now a days, kasi… nandito pa rin ako at love pa rin tayo ng viewers, ng fans natin.”

Billy at Coleen, iniintrigang may relasyon

INIINTRIGA sina Billy Crawford at Coleen Garcia mainly dahil may lumabas na retrato sa social media na magkaakbay ang dalawa.

Nagkaroon na ng sitsit noon na parang pinalalabas ng iba na baka si Coleen ang rason sa hiwalayang Billy at Nikki Gil. Subalit pinabulaanan ito kapwa nina Billy at Coleen.

Ayon pa kay Coleen, close lang talaga ang samahan nila sa It’s Showtime. Normal lang daw na magyakapan sila o mag-akbayan doon.

Hindi rin daw ibig sabihin nito ay sweet sila sa isa’t isa dahil ganito talaga sila sa grupo nila at wala itong malisya sa kanila. “No naman, siguro iyong mga akbay-akbay, iyong mga ganito-ganyan… whatever, pero I was hugging Vice, I was hugging Teddy and wala namang anything malaswa or anything bad. There’s no malice.”

Iginiit din ng aktres/TV host na hindi siya nililigawan ni Billy at kung lumabas man daw sila ay bilang grupo at hindi lang silang dalawa ni Billy.

Idinagdag pa ni Coleen na wala siyang karelasyon nga-yon at wala sa hinagap niyang pumasok sa bagong relasyon.

Matatandaang early this year nang nag-break sina Coleen at Gab Valenciano dahil kailangang magpunta sa US ng huli para mag-aral.

Nonie Nicasio

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top