Thursday , October 1 2020
Breaking News
You are here: Home / News / Kandidatong kagawad tiklo sa droga

Kandidatong kagawad tiklo sa droga

DAGUPAN CITY – Arestado ang kumakandidato sa pagka-barangay kagawad matapos mahulihan ng hinihinalang shabu at marijuana sa bayan ng Urbiztondo sa lalawigan ng Pangasinan.

Kinilala ang suspek na si Joel Doria, 39, residente ng Brgy. Gueteb sa nasabing bayan.

Sa bisa ng search warrant, hinalughog ng mga awtoridad ang bahay ng suspek.

Nakuha sa kustodiya ng suspek ang apat na heat sealed plastic sachet ng shabu, dalawang heat sealed plastic na naglalaman ng pinaghihinalaang mga dahon ng marijuana, buto nito at ilang drug pharapernalia.

Sa ngayon, ang nabanggit na suspek ay nasa kustodiya na ng pulisya upang harapin ang kasong nakatakdang isampa laban sa kanya.

(BETH JULIAN)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top