Tuesday , September 29 2020
Breaking News
You are here: Home / News / Grand Lotto jackpot P120-M na

Grand Lotto jackpot P120-M na

HINDI pa rin napapanalunan ng libo-libong lotto bettors ang jackpot prize ng 6/55 Grand Lotto.

Ito’y makaraang walang makakuha ng winning number combination na 46-02-04-30-22-33 sa isinagawang draw kamakalawa ng gabi sa PCSO headquarters sa Pasay City.

Nakataya rito ang P116,061,952.00.

Dahil walang nanalo, umakyat na ang premyo sa P120 million sa susunod na draw date.

Ang Grand Lotto draw ay regular na matutunghayan sa PCSO Office tuwing Lunes, Miyerkoles at Sabado.

(JAJA GARCIA)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top