Wednesday , September 30 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / ER at KC, may kakaibang chacha at tango sa Boy Golden

ER at KC, may kakaibang chacha at tango sa Boy Golden

MALUNGKOT na idinaos ng actor/politician ang kanyang 50th birthday. Pero napalitan ng saya ang lungkot ni ER Ejercito nang pumasok ang pelikula niyang Boy Golden with KC Concepcion sa MMFF 2013.

Kahit magiging abala si ER sa pag-apela sa korte, tututukan pa rin niya ang kanyang pelikula, mula editing, dubbing, sounds, post production, at theme song nito. Mas matindi raw ang mga action scene rito ni ER sa BG kaysa Manila Kingpin. Nakagugulat daw ang kakaibang dance number na cha-cha at tango nina ER at KC, kaabang-abang.

Napaka-sensual daw ng dalaga habang nagsasayaw.

Maugong ang balita na sina ER at Robin Padilla ang maglalaban for Best Actor sa darating na filmfest. Kakabugin yata si Binoe sa acting performance na ipakikita ng actor/politician sa kanyang pelikula na ididirehe  ni ChitoRono.

(EDDIE LITTLEFIELD)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top