Friday , September 25 2020
Breaking News
You are here: Home / News / Bahay nilamon ng sinkhole 4 patay

Bahay nilamon ng sinkhole 4 patay

APAT katao ang namatay nang ‘lamunin’ ng sinkhole ang isang bahay sa Brgy. Ubojan, Antequerra, Bohol.

Nauna rito, nagsulputan ang mga sinkhole sa iba’t ibang bahagi ng lalawigan ma-karaan ang 7.2 magnitude na lindol na tumama sa Visayas nitong Oktubre 15.

Dalawang miyembro ng pamilya Barace ang nakaligtas sa insidente. Si Saturnino Barace, Jr., isa sa mga survivor, ay naghintay ng anim na oras bago nasagip. Ang kalahati ng kanyang katawan ay na-trap sa guwang dahil sa sinkhole.

Hanggang kaha-pon ng hapon ay patuloy ang mga kaanak ng pamilya sa paghuhukay sa lupa na kinabaunan ng bangkay ng mga biktima.

Isinailalim naman ng mga awtoridad ang area sa surveillance dahil mayroon pag natuk-lasang cracks malapit sa nasabing sinkhole.

Sa kabila ng nangyari, plano pa rin bumalik ng nalalabing mga miyembro ng pamilya Barace sa kanilang lugar.

(BETH JULIAN)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top