Sunday , September 20 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Arnold Clavio at Deo Macalma parehong inireklamo at pinalagan ni Atty. Ferdinand Topacio (Pawang mga fabricated kasi ang mga blind item!)

Arnold Clavio at Deo Macalma parehong inireklamo at pinalagan ni Atty. Ferdinand Topacio (Pawang mga fabricated kasi ang mga blind item!)

ASIDE sa pareho silang mamamahayag sa radyo, what Arnold Clavio and Deo Macalma have in common?

Well, parehong mahilig ang dalawa sa mga fabricated na blind item kaya naman inirereklamo sila ngayon ng seasoned at celebrity lawyer na si Atty. Ferdinand Topacio. Pumalag na si Atty. Topacio dahil hindi lang isang beses siyang nabikitma ng mga maling blind item nina Arnold at Deo. Lalo na si Igan (Arnold). Una n’yang ibinalita sa radio program niya sa DZBB na nakita raw na, naglaplapan sina Claudine Barretto at Atty. Ferdie sa mismong bahay ng kliyenteng actress at si Mommy Inday pa raw ang nakasaksi sa pangyayaring ito. Ito namang si Deo Macalma walang habas na ini-report sa kanyang programa sa DZRH na nakita raw ng kanyang spy, sina Atty. Topacio at Claudine na pumasok ng Solaire Resort and Casino sa Pasay at nagka-casino pa raw si Clau sa nasabing lugar. Agad-agad nagpadala ng kanyang statement sa pamunuan ng DZRH ang labs at BFF naming abogado para itanggi ang maling blind item sa kanila ni Clau. Sa nasabing statement ay nilinaw ni Atty. Ferdie na totoong nagpunta s’ya at nag-check in sa Solaire pero hindi si Claudine ang kasama niya roon kundi ang biyuti n’yang misis na si Judge Dinnah Cureg Aguila. Dahil sa koryente ang pinasabog na news mabilis na nag-retract si Deo sa kanyang show or else baka makasuhan siya ng abogadong kanyang nabikitma. E, kailan naman kaya babawiin ni Arnold ang maling blind item? Hindi ba’t nagalit rin noon sa nasabing TV host/broadcaster si Senator Bong Revilla na tsinismis naman n’yang may babaeng ka-date sa Tagaytay. ‘Yun pala nagte-taping daw ang actor-politiko. Sana, sa susunod bago magbalita alamin muna kung totoo ‘yung facts mo o hindi nang hindi ka naman masilat.

Tama gyud!

YOUNG JV: SHOWBIZ’S RISING STAR

Young JV is one of the most promising young artists of his generation. He has a boyish charm of a matinee idol yet he is more than that. Young JV started his love affair with music when he was 15 years old. His songs are about life, love and national pride. Now, he is receiving accolades and various awards for his musicality. Young JV has overflowing passion for his craft and is brave to explore his range as a performer. These days, he is hugging the limelight as Jacob in the hit television series Annaliza. He previously starred in the primetime teleserye Princess and I where he played Jonas de Ocampo. He is an artist with a mission in life. He is the newest ambassador of HERO Foundation, Inc., a non-stock, non-profit organization that sends military orphans to school. He is also busy as the Founder and Chairman of the Lahing Bayani Foundation that provides educational benefits/grants to the orphans of Filipino soldiers. These days, Young JV has his full of activities: October 17 (radio and campus tours at Iloilo); October 18 (Foam Party at Plazuela Iloilo); October 19 (live performance at Claret School); October 22 (HERO 25th Anniversary Concert at Glorietta Activity Center); October 22, 23, 24 (UKG); October 26 (NBA 2K14 Tournament at Guillys Island/G Strip Morato, QC); November 9 (Maja Unveils @ 10 at KCC General Santos); November 10 (Cornetto Event at Megatrade Hall); November 12 (MYX Mo! 2013 at SM Mall of Asia Concert Grounds; November 23 (Sunpiology Concert); November 29 (Enrique Gil Concert at Smart-Araneta Coliseum). Want to know more about Young JV? Get the latest updates about Young JV by visiting his related sites to find out more about him: http://www.facebook.com/IamYoungJV http://twitter.co- m/YoungJVofficial http://www.twitmusic.com/youngjvofficialhttp://www.youtube.com/youngjvofficial

KASAMBAHAY WAGI NG CASH AT BAGONG MOTORSIKLO SA SUGOD-BAHAY SA BARANGAY

Hindi sukat akalain ni Jessica Tawagon, na sa kabila ng kanyang pagiging isang katulong ay kakatukin pa rin siya ng swerte sa pamamagitan ng paghulog niya ng coupon sa “Juan For All, All For Juan!” Yes, last Saturday ay ang pangalan ni Jessica ang nabunot ni Bossing Vic Sotto na siyang winner ng sugod-Bahay sa Barangay. At ‘yung kakapiranggot na suweldo sa pamamasukan na kasambahay ay napalitan ng malaking cash prize na 45K kasama ang Passbook na may initial deposit at ATM na kaloob ni bossing at ng Eat Bulaga. Binigyan rin ang nasabing residente ng Brgy. 628 Zone 63 Sta Mesa Manila ng Motortrade ng bagong Suzuki GD 111 Motorsiklo plus Jacket at Helmet na rin. Nanalo rin ng 0+Phone 8.16 si Jessica na courtesy ng O+. Nakatanggap ng additional cash ang kasambahay, ng grocery items from Puregold, Coca-Cola, Purefoods Star Hotdog, Lafarge Republic Cement at ilang items ng appliances na mula naman sa Hanabishi.

Peter Ledesma

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top