Wednesday , September 30 2020
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / May isinampa bang kasong drug related si ex-Cong. Bienvenido Abante vs mga kilalang pusher sa District 6?

May isinampa bang kasong drug related si ex-Cong. Bienvenido Abante vs mga kilalang pusher sa District 6?

00 Bulabugin JSY

NAGTATAKA ang mga constituent sa Distrito 6 ng Maynila na dating congressman si Bienvenido Abante dahil kahit minsan ay hindi nila nabalitaan na naging anti-illegal drug advocate siya.

Hindi ba’t IMORAL ‘yang DROGA?!

Walang pinipiling edad, katayuan sa buhay, kasarian, paniniwala o relihiyon … basta kapag na-HOOK sa DROGA t’yak WASAK ang buhay.

Hindi ba ex-CONG. Abante?!

Ikaw ba ex-Cong. Abante, wala ka bang kaanak o mahal sa buhay na na-HOOK sa DROGA?

Sana lang ay isa ‘yan sa pagtuunan mo, dahil balitang-balita na d’yan sa ‘LUGAR’ ninyo ay talamak ang bentahan ng DROGA.

‘Di ba congressman?

Bakit hindi mo lubusin ang paglaban sa mga immoral?!

LINISIN mo sa DROGA ang District 6.

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://www.hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top