Thursday , October 1 2020
Breaking News
You are here: Home / News / Visayas quake death toll lumobo sa 201

Visayas quake death toll lumobo sa 201

UMAKYAT na sa 201 ang bilang ng mga namatay sa magnitude 7.2 na lindol sa Visayas, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Ayon sa NDRRMC, tatlo pa katao ang natagpuang patay sa Balilihan at Calape, sa Bohol, at Pinamungajan sa Cebu.

Sa nasabing bilang, 187 ang mula sa Bohol, 13 sa Cebu at isa sa Siquijor.

Ang bilang naman ng mga sugatan ay umabot na sa 720, sa bilang na ito ay 626 ang mula sa Bohol, 89 sa Cebu at tatlo sa Siquijor at tig-isa sa Neg-ros at Iloilo. Sampu naman ang hindi pa nata-tagpuan sa Bohol, lima sa Sabgayan, dalawa sa Loon, at tig-isa sa Clarin, Inabanga at Antequera.

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top