Monday , September 28 2020
Breaking News
You are here: Home / News / ‘Dumukot’ kay Jonas sumuko, nagpiyansa

‘Dumukot’ kay Jonas sumuko, nagpiyansa

Sumuko na ang pangunahing suspek sa pagdukot sa militanteng si Jonas Burgos noong 2007.

Kasama ang kanyang abogado, alas-8:30 nitong Biyernes ng umaga, dumating sa Quezon City Regional Trial Court (RTC) Branch 216 si Army Major Harry Baliaga, Jr.

Naglagak ang suspek ng P40,000 piyansa para sa pansamantalang kalayaan.

Si Baliaga ang isa sa sinasabing nasa likod ng pagdukot kay Burgos noong Abril 2007 sa Ever Gotesco Mall.

Setyembre 11, nang maglabas ng warrant of arrest ang korte laban sa suspek.

Itinakda ni Judge Alfonso Ruiz ang pagbasa ng sakdal kay Baliaga sa Nobyembre 12, alas-8:30 ng umaga.

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top