Monday , September 28 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Ai Ai at Cherry Pie, titindi ang kompetisyon

Ai Ai at Cherry Pie, titindi ang kompetisyon

MAS titindi na ang kompetisyon ng mga karakter nina AiAi delas Alas at Cherry Pie Picache ngayong gabi sa pagpapatuloy ng  Wansapanataym Presents Moomoo Knows Best.

Ngayong tunay at matapat na esperitista na si Joanna (AiAi), muling susubukin ang kanyang kabutihan sa pagpasok ng mapanira niyang karibal na si Lavender (Cherry Pie).

Matuloy pa ba ni Joanna ang pagbabagong-buhay niya sa gitna ng panggugulo ni Lavender? Anong tulong ang ibibigay sa kanya ng kaibigan niyang multo na si Kwatzy (Izzy Canillo)? Kasama nina AiAi, Izzy, at Cherry Pie sa Wansapanataym Presents Moomoo Knows Best sina Carla Martinez, Marco Gumabao, Jojit Lorenzo, at Michelle Vito mula sa panulat ni Arlene Tamayo at direksiyon ni Erick Salud.

Reggee Bonoan

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top