Sunday , September 27 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Yam Concepcion, third party raw sa hiwalayang Jennylyn at Luis (Dahil parehong taga-Viva!)

Yam Concepcion, third party raw sa hiwalayang Jennylyn at Luis (Dahil parehong taga-Viva!)

TATAHI-TAHIMIK lang ang alaga ni Ms. Claire dela Fuente na si Yam Concepcion pero andami pa lang project ngayon ng young sexy actress.

Yes, pagkatapos ng Dugong Buhay bukod sa mga TV guesting ay may bagong endorsement ng brand ng isang alak si Yam. Pasok rin ang actress sa MMFF entry ng Viva this year na Boy Girl Bakla Tomboy na si Vice Ganda ang bida, then may isa pang movie ang bagong Pantasya ng Bayan na ang makakasama naman niya ay sina Heart Evangelista at Tom Rodriguez.

May bagong isyu kay Yam isa raw sya sa third party sa hiwalayang Jennylyn Mercado at Luis Manzano? Well, siguro kaya naili-link ngayon ang protegee ni Claire kay Luis ay dahil parehong contract star ng Viva ni Boss Vic del Rosario ang dalawa. Say pa ni Yam, magkaibigan lang sila ni Luis at walang malisya kapag nagkikita sila ng TV host-actor. Aminado siya (Yam) na nagpapadala ng message sa Facebook account n’ya si Luis at hindi raw naman n’ya binibigyan ng ibang kalulugan ‘yun dahil magkaibigan nga sila ng actor.

Pahabol, sa hiwalayan nila ni Jennylyn ay wala raw kasalanan si Luis kundi sa parte ng actress na umano hanggang ngayon ay sustentado pa rin ng controversial na actor-politiko na matagal nang iniuugnay kay Jen.

Naku! bibigyan natin ng follow-up ang bagong pasabog na ito na ibinulong sa atin ng mapagkatiwalaang impormante na ni minsan ay hindi kami kinoryente.

Kalorky gid!

MUSIC OF 70s AND 80s NAGPAPASAYA AT KOMPLETO NG GABI NG PAMOSONG NEGOSYANTE NA SI EDGARD CABANGON

Sa kanyang daily routine, kasama na rito ang hectic schedule sa iba’t ibang business na pinamamahalaan nila ng kanyang daddy na si Amba Antonio Cabangon-Chua.

Binibigyan pa rin ng pamosong negosyante na bossing/friend namin ni BFFT Pete A, na si Sir Edgard Cabangon na makapag-relax o unwind sya.

Hindi na niya kailangan magpunta pa sa ibang lugar.

Dahil sa Citystate Tower Hotel ni Sir Edgard na located dyan sa Mabini ay mayroon magagaling na singer na regular na kumakanta sa hotel. Dalawa sa paboritong panoorin at pakinggan ng nasabing boss at kaibigan namin ay ang tandem ng parehong maganda at talented na sina Maria Elena Tan at Jhoan Datu Aparente.

Yes, bukod sa amin ni Pete at ilan pang circle of friends ay sila ang nagpapasaya at kumukompleto sa gabi ni Sir Edgard. Yes, mababaw lang ang kaligayahan ng batang Caba- ngon, kapag kinanta na ang mga request na music from 60s, 70s, and 80s ay solve na ang kaligayahan niya.

Sa totoo lang, walang halong exaggeration napakahuhusay naman talaga nina Maria Elena at Jhoan wala kang itulak kabigin sa kanila pagdating sa performance.

Yes, mga bata pa sila pero kayang-kaya ng kanilang powers ang kumanta ng mga sumikat na old songs na bagay na bagay rin sa mga voice nila. Kami man ay mga awtin noong dekada 70 at 80 ang aming paborito kaya nag-e-enjoy rin kami sa mga nabanggit na singers.

By the way, bukod sa hotel business, malapit na rin magbukas ang high-tech na Landfill ni Sir Edgard at may bago silang 13 branches na new bank na nabili sa Calamba Laguna.

RICHARD AT DAWN, MAGBABALIK-PRIMETIME!

Paiibigin muli ng ‘Eternal Love Team’ nina Richard Gomez at Dawn Zulueta ang TV viewers sa pagbabalik nila sa Primetime Bida ng ABS-CBN sa upcoming family drama series nilang “You’re My Home.”

“Ang serye namin ay tungkol sa dalawang pamilya. Mag-asawa kami rito ni Richard at anak namin sina Enchong (Dee) at Shaina (Magdayao). ‘Yung ikalawang pamilya ay kina Cherry Pie (Picache) at Iza (Calzado),” pahayag ni Dawn sa project announcement na ginanagap kamakailan sa ABS-CBN. “Isa siyang family drama na sasalamin sa tunay na nangyayari at pinagdaraanan ng mga pamilyang Filipino. Susubaybayan ng viewers dito ang kwento kung paano naglapit at nagkaroon ng hidwaan ang mga pamilya namin,” patuloy niya.

Bukod kina Richard, Dawn, Cherry Pie, Iza, Shaina at Enchong, bahagi rin ng powerhouse cast ng “You’re My Home” ang Kapamilya teen stars na sina Ella Cruz at Francis Magundayao. Ang “You’re My Home” ay orihinal na kwentong likha ng manunulat ng Dreamscape Entertainment na sina Rondel Lindayag at Mari Lamasan. Ipalalabas ang bagong Kapamilya teleserye sa 2014. Para sa karagdagang updates, mag-log on lamang sa ABS-CBN.com o sundan and @abscbndotcom sa Twitter.

Peter Ledesma

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top