Friday , September 25 2020
Breaking News
You are here: Home / News / Killer ng Iligan broadcaster timbog sa NBI

Killer ng Iligan broadcaster timbog sa NBI

CAGAYAN DE ORO CITY – Naaresto na ng mga awtoridad ang suspek sa pagpatay sa isang radio blocktimer sa lungsod ng Iligan noong nakaraang Agosto 29.

Inihayag ni National Bureau of Investigation (NBI) Regional Director Atty Ricardo Diaz, ang suspek ay si PO1 PJ Capampangan, naka-detail sa Iligan City Police Office (ICPO).

Ayon kay Diaz, positibong itinuturo ng dalawang testigo si Capampangan na isa sa mga bumaril sa biktimang si Fernando “Nan-ding” Solijon, tinamaan ng anim na bala na agad niyang ikinamatay.

Samantala, ang isa pang suspek na si Edward Tucaran ay una nang napatay ng hindi nakilalang salarin dalawang araw ang nakalipas matapos barilin si Solijon.    (HNT)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top