Thursday , October 1 2020
Breaking News
You are here: Home / News / Pagpuga ni ‘Ma’am Arlene’ iniimbestigahan — Palasyo

Pagpuga ni ‘Ma’am Arlene’ iniimbestigahan — Palasyo

PINAIIMBESTIGAHAN na  ng Malacañang ang napabalitang paglabas ng bansa ni ‘Ma’am Arlene,’ sinabing court fixer at may modus katulad ni Janet Lim-Napoles.

Sinabi ni Communications Sec. Sonny Coloma, kumikilos na ang Immigration, NBI at DoJ para matukoy kung nasaan ang nasabing personalidad para maibalik ng bansa kung kinakailangan.

Ayon kay Coloma, tiwala sila sa kakayahan ng mga awtoridad para mahanap ang ‘court fixer’ at pagpaliwanagin sa anomalya.

“Kasalukuyan pa po ‘yang sinisiyasat, ano, at nanalig po tayo na ang mga kinauukulang awtoridad sa Department of Justice, NBI, Bureau of Immigration at iba pa ay ginagawa ang kanilang tungkulin hinggil diyan,” ani Coloma.

(HNT)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top