Friday , September 25 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Dani, ipinagpalit ang pagiging flight attendant sa pag-aartista

Dani, ipinagpalit ang pagiging flight attendant sa pag-aartista

ISA si Danielle Castano sa Viva’s Rising Beauties kasama sina Yam Concepcionat Meg Imperial.

Memorable ang pangalang Danielle or Dani dahil isa siya sa Showbiz Police Officers kasama sina Divine Lee at MJ Marfori sa talk show na Showbiz Policeng TV5.

Ayon sa 2008 Binibining Pilipinas World, bata palang siya ay pabalik-balik lang siya ng Pilipinas at Amerika, pero noong nag-17 na siya ay nanatili na siya ng Pilipinas dahil nakilala niya si Jonas Gaffud at isinali nga siya sa beauty contest.

“Sa States po kasi ako rati naka-base before (US citizen), and then I went back here, I did ‘Love on Line’, ex-girlfriend ni Vic Sotto o ni bossing, partner niya noon si Paula Tyler then, I did Cinemalaya, ‘Paglilitis ni Andres Bonifacio’, ‘yung direktor po si Direk Mario O’ Hara, I played Oryang asawa ni Andres played by Alfred Vargas.

“That was 2010, and after that, I did ‘Iskul Bukol’ with TV5, and then at nagkaroon ng conflict kaya nawala ako, nawala ‘yung inilabas nila (rason ng pagkawala). And then, I did ‘Amazing Race Philippines’, kami ‘yung Team Bombshells, and then ‘Showbiz Police’ na,” kuwento ng dalaga.

Bago raw siya napasama sa Showbiz Police ay nag-apply siya bilang flight attendant sa Emirates at tinanggap at ng magpaalam na siya kay boss Vic del Rosario ay hindi raw siya pinayagan.

“Nagpaalam na po ako na babalik na ako sa States at kung may plano siya sa akin this year or next year, because siyempre, tao lang tayo, kailangan ng pampakain sa sarili natin, I need to pay my bills, so sabi ko nga, I was gonna fly out na.

“Tapos sabi nga po ni boss Vic, ‘mag-stay ka, I’m gonna work on you this year’, tapos sabi ko, boss, promise ‘yan ha, tapos sabi niya, ‘oo, akong bahala sa ‘yo, basta making ka sa akin’. Tapos after two weeks, heto kasama na ako sa ‘Showbiz Police’,” kuwento ni Dani.

Mag-isang binubuhay ni Dani ang sarili niya dahil ang mommy niya ay may ibang pamilya na rito sa Pilipinas at ang daddy naman niya ay may ibang pamilya rin sa Amerika.

Samantala, tinanong namin kung hindi ba sila nagkakaroon ng conflict nina MJ at Divine bilang Showbiz Police Officers pagdating sa events.

“Ay hindi po, kasi si Divine, sa fashion-fashion, si MJ, sa news po, ako naman sa corporate events, or launching ng products. Since may experience naman ako sa hosting,” paliwanag ng dalaga.

“Minsan magkakasama po kaming tatlo, walang competition, magkakasundo po kaming tatlo,” paliwanag niya.

Ayon kay Dani ay family daw ang turing niya sa Showbiz Police lalo na ang hosts na sina ‘Nay Cristy Fermin, Raymond (Gutierrez), direk Joey (Reyes).”

At naging honest si Dani na may idine-date siya ngayon na hindi Pinoy pero klinaro niyang mabuti na hindi niya boyfriend ito.

Kaya tinanong namin si direk GB Sampedro sa kanya na tila nagkakatuksuhan silang dalawa.

“Ha, ha, ha, ha, si direk GB? Hindi, ah.  Friends kami ni direk kasi mahilig kaming mag-asaran ni direk sa set, kaya iyon siguro,” tumatawang sabi ni Dani.

Reggee Bonoan

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top