Saturday , September 26 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Claudine, mabait na kina Greta at Marjorie (Dahil sa negative na dating ng mga pinagsasabi)

Claudine, mabait na kina Greta at Marjorie (Dahil sa negative na dating ng mga pinagsasabi)

NAGBAGO na naman ng kuwento si Claudine Barretto sa mga movie reporter na kinumbida niya para sa isang dinner (kuno) at interview sa kanya mismong bahay. Pero ngayon mabait na siya kina Gretchen at Marjorie, at sinabi pa niyang nami-miss na niya ang mga pamangkin niyang anak ng mga iyon. May sinasabi pa siyang sana naman daw ay maalala ng kanyang mga kapatid na minsan ay may nagawa rin naman siyang kabutihan sa mga iyon, at natulungan din niya ang mga iyon sa panahon ng kanilang pangangailangan.

Hindi man namin nakakausap, sigurado kaming nakataas na naman ang kilay ni Gretchen sa sinabing iyon ni Claudine. At saka bigla, nagpapa-underdog na naman siya. Nakita kaya niyang naging negative ang dating sa kanya niyong pagtatakwil niya sa kanyang mga kapatid at pag-uutos sa mga iyon na huwag nang gagamitin ang apelyido nilang Barretto?

May bago pa siyang statement, ipinagdarasal din daw nila ng kanyang mga anak ang kanyang asawang si Raymart Santiago, at sana matapos na ang lahat ng gulo. Sabi pa niya, dapat daw napag-usapan na lang nang maayos ang lahat, at iyong isinampa niyang TPO, dapat doon na natapos. Kaya lang daw naman may gulo pa ay dahil sa nag-file pa ng petition for habeas corpus si Raymart. Pero ‘di ba natural lang naman na ipagtanggol niyong tao ang sarili niya matapos ang lahat ng paninira? At saka nagsalita ba si Raymart na hiwalay na sila kung hindi siya nag-file ng kaso? Ang unang pinagmulan ng impormasyon na hiwalay na sila ay ang nanay niyang si Inday Barretto.

Binalingan din ni Claudine ang kapatid niyang si JJ, na itinuturo naman niya ngayong addict. Paano kung balikan naman siya ni JJ at magbigay ng mas marami pang detalye ng kanilang problema? Nagbago man ng strategy, mali pa rin ang pamamaraan ng damage control ni Claudine. At saka bakit laging sa media ang takbo niya? Hindi ba nasa korte na ang lahat ng iyan? Hindi ba lalabas na subjudice iyang ginagawa niya?

Sino nga ba ang matino kina Luis at Jen?

KUNG ikokompara mo naman ang love life nina Jennylyn Mercado at Luis Manzano na kabe-break pa lamang matapos ang hindi pa umabot sa dalawang taong relasyon nila, sa mga naging love life nila in the past, sino nga kaya ang masasabi mong mas matino?

Wala pa silang sinasabi pareho tungkol sa kanilang split. Iyang si Luis, wala kang maaasahan diyan dahil kahit na kailan hindi siya nagkuwento kung bakit siya nakipag-break sa ibang naging syota niya. Iyang si Jennylyn ang hinihintay nila, kasi magkakaroon nga raw ng press conference para sa isa niyang bagong show, at inaasahan nilang may sasabihin na naman iyon. Hindi ba ganoon nga ang nangyari noon kina Mark Herras na sinabi niyang nanligaw sa isang nag-oo-JT sa Channel 7, kay Patrick Garcia na tumangging pakasalan siya, kay Dennis Trillo na binugbog pa raw siya at kinaladkad palabas ng condo noon, kaya ngayon ano naman ang sasabihin niya?

Kilala rin kasi iyang si Jennylyn na mahilig sa controversy at mahilig ding magpa-underdog.

‘Di natuloy na halikan ng mga bakla, ‘di dapat panghinayangan

HALIKAN lang ng mga bakla panghihinayangan pa bang hindi napanood? Eh sa mga pelikulang indie hindi lamang halik, naglalaplapan na ang mga bakla.

Kaya kung baklang ganoon ang gustong panoorin, eh ‘di sa indie na lang sila. Kung babae naman ang nanonood, yuck mga bakla naghalikan.

Ed de Leon

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top