Monday , September 28 2020
Breaking News
You are here: Home / News / 2-anyos dedbol sa bundol

2-anyos dedbol sa bundol

LA UNION – Dead-on-arrival sa Naguillan District Hospital sa Naguillan, La Union ang 2-anyos batang lalaki matapos mabunggo ng isang wagon van (XBA-676) sa kahabaan ng kalsada na sakop ng Brgy. Suyo, Bagulin, La Union.

Kinilala ang biktimang si Rodel Apigo, residente ng nasabing lugar.

Ang driver ay kinilala namang si Joel Quitongan, 53, may asawa, residente ng Buguias, Benguet.

Batay sa impormasyon, nasa gilid ng kalsada ang naturang bata nang bigla na lamang mabunggo ng van.

Dumanas ang biktima ng malubhang sugat sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan na naging sanhi ng agaran niyang pagkamatay.

Napag-alaman na ang ina ng biktima ay abala sa pagkuha ng kanyang mga sampay, dakong 4:30 kahapon.

Samantala, ang driver ay nasa kustodiya na ng Bagulin Police Station para sa mas malalim na imbestigasyon at para sa pagsasampa ng kaukulang kaso.

(BETH JULIAN)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top