Sunday , September 27 2020
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Montero Gang sa PhilPost imbestigahan!

Montero Gang sa PhilPost imbestigahan!

00 Bulabugin JSY

HETO pa ang isang hanggang ngayon ay namamayagpag sa kung ano-anong pagmamani-obra sa pondo ng Philippine Postal Corporation (Philpost).

Nananawagan po ang mga ‘binalasubas’ na empleyado ng Philpost sa Palasyo lalo na sa inyo Pangulong BENIGNO S. AQUINO.

Mula raw nang iupo mo r’yan sa Philpost si postmaster general Josie Dela Cruz ‘e wala nang inisip kundi kung paano sisimutin ang pondo ng bayan!?

Nariyang bumili ng 30 units ng Montero para gamitin ng mga alipores n’ya na ang ipinang-DOWN PAYMENT ay mula sa PROVIDENT FUND ng mga empleyado.

Kailan pa naging tama ‘yan?!

Na ang provident fund mula sa sahod ng mga empleyado ay ipambili ng MONTERO para sa mga appointed officials ng Philpost?!

Bukod sa pangungurakot sa provident fund ng mga empleyado, natuklasan pa nila na kaya minadali ang pagbili ng 30 units ng MONTERO ay para agad maka-KOMISYON ang ahente na sinabing kapatid ni PG JOSIE DELA CRUZ?!

SONABAGAN!

Wala na ba talagang paglagyan ng KAPAL NG MUKHA ang mga appointee ni PNOY?!

Sa SSS, sa  GSIS at sa Philpost?!

Buti ‘yung mga namamalimos sa kalye, marunong manghingi at kaya nasadlak sa kahirapan ay dahil sa mga gahaman na katulad ninyo.

‘E kayo, kumbaga nang magsabog ang Diyos ng oportunidad sa lupa ‘e NASAGAP na ninyong lahat, PERO nakukuha n’yo pang PAGSAMANTALAHAN ang pondo para sa sambayanan!

Hindi pa kayo NAISAMA sa mga GUMUHO sa lindol sa Bohol at Cebu!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://www.hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top