Friday , November 27 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Kristofer Martin user raw (Starlelet na gf hiniwalayan bigla! )

Kristofer Martin user raw (Starlelet na gf hiniwalayan bigla! )

KASABAY ng hiwalayang Jennylyn Mercado at Luis Manzano ay may isa pang starlet sa katauhan ni Joyce Ching Ching ang lumuluha ngayon nang walang patumangga.

Paano bigla na lang tinuwaran ni Kristofer Martin si Joyce simula nang makapareha ng young actor ang Kapuso singer-actress na si Julie Ann San Jose. Sabi, may pagka-user raw kasi si Kristofer at alam ng mga dating nagha-handle ng career ng actor. Kaya nang makita na mas sikat ang kalabtim sa isang musical ser- ye na si Julie Ann, ayun hiniwalayan ang girlfriend na si Joyce na nganga pa rin sa mga oras na ito at ‘di matanggap ang ginawa sa kanya ng nobyo. So, sa mga darating na araw ay mababalitaan na lang natin na mag-on na sina Kristofer at Julie Ann. Pero paano kung di naman siya feel ng singer na ang talagang type ay ang orihinal na kalabtim na si Elmo Magalona. Well, karma na ang tawag d’yan lalo sa gamiterong katulad n’ya gyud!

Peter Ledesma

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top