Wednesday , December 2 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Bgy. Dila, Best Barangay ng Eat Bulaga!

Bgy. Dila, Best Barangay ng Eat Bulaga!

CONGRATULATIONS sa Bgy. Dila, Sta. Rosa, Laguna na ang Chairman o Kapitan ay si Jose “Peping” Cartano na ilang taon na rin na namumuno sa nasabing barangay. Bagamat sa nakaraang ilang taon ay naging Punong Barangay si K. Arthur Mane pero sa nakalipas na taon ay nakabalik si Sir Peping nang ma-luz valdez sa eleksiyon si G. Mane.

Kasi ang Barangay Dila ang nanalong “Best Barangay” sa paligsahan ng mga malilinis na barangay, well discipline, tahimik, may pagkakaisa ang mga magkakabarangay, at pati edukasyon ng mga kabataan sa paaralan, lalo na sa mababang paaralan ng gobyerno at ang the best ay hindi sila nagpapabaya sa pangangailangan ng mga itinayong  daycare center at health centers. Kaya pinarangalan ang Barangay Dila bilang Best Barangay ng sikat na noontime show na Eat Bulaga ng GMA7, produced ng TAPE Inc., Produce by Tony Tuviera, lady producer Malou Choa Fagar, hosts Vic Sotto, Tito Sen, Joey De Leon, with Allan K, Pia Guanio, Ruby Rodriguez, Pauleen Luna, Julia Clarete, Jimmy Santos, Michael V, Kempee De Leon, Ryan Agoncillo, Isabelle Daza, at ang hataw na hataw na prinsipe ng kalye, sina Jose Manalo at Paolo Ballesteros. Sayang wala si Wally Bayola na swak din sa kanilang trio los kalyes.

Pero ang mutya ng Eat Bulaga na hindi na mapipigilan ang kasikatan, ang Aleng Maliit, si Ryzza Mae Dizon. Ang Barangay Dila ang nagwagi para sa buwan ng September (Sept. 3) na kalaban ang ibang barangay, pero so lucky talaga si Sir Peping at ang buong staff niya na siyang nagwagi at tumanggap ng maraming regalong kapaki-pakinabang, lalo na ang rubber boat na sa panahon ng kalamidad ng malakas na bagyo at baha, magagamit ito para sa rescue event.

Magandang regalo sa kanila ang pagiging winner at timing naman dahil makatutulong kay Chairman Jose “Peping” para sa darating na Barangay Election. Congrats to all. Sa totoo lang may soft spot sa puso namin ang Bgy. Dila dahil ang yumao kong husband ay naging administrador at member ng Judicial ng barangay sa ilalim ng leadership ni Sir Peping ilang years ago!

Ka Freddie, ‘di dapat kuwestiyonin sa pagkakaroon ng 16 y/o GF

SO what, kung super bagets ang current girlfriend ni Ka Freddie Aguilar na kamakailan ay recipient ng Lifetime Achievement Award ng PMPC Star Awards for Music 2013 na ginanap sa Solaire Resort and Casino.

Last Saturday sa Showbiz Police ng TV5, hosted by Nay Cristy, Cong. Lucy Torres-Gomez, Direk Joey Reyes and Raymond Gutierrez with their arresting officers, the beautiful and sexy, na sina Dani Castano, MJ Marfori, at Divine Lee, na-arrest nila si Ka Freddie at ang 16 year old girlfriend who hails in Mindoro.

Dahil doon kaya nakita at nakilala ang girl at right there and then, naramdaman ng senior citizen Ka Freddie na this is the girl na after 10 years na wala siyang karelasyon, heto at posibleng ihatid niya sa harap ng altar. Marami ang nagtaas ng kilay. Bakit? Nasa diksiyonaryo ba na ang love, dapat magaka-edad kayo, ask ni Ka Freddie?

Bakit kailangang kuwestiyonin ang kanilang magandang relasyon?

Kasalanan ba kung na-inlove sila sa isa’t isa?

At saka hindi na pera ang pinag-uusapan o popularity kaya, basta first love ng 16 year old girl ang nadarama kay Freddie. Si Ka Freddie naman parang ngayon pa lang siya nagbibinata. Ipagdasal natin ang kailang happiness. ‘Wag maiinggit.

She’s The One, waging-wagi sa takilya

UMAALAGWA ang She’s The One ng Star Cinema Films na kabilang din sa mga nagawa at naipalabas na movie  sa pagdaraos ng kanilang 20th anniversary this year.

Waging-wagi sila dahil lahat ng mga sinehan (120 theaters) ay hagos ang mga moviegoer para bang wala nang maligayang sandal sa buhay kundi ang manood ng pelikula at walang katapusan ang kanilang kuwentuhan sa napakagandang pelikula nina Dingdong Dantes at Bea Alonzo.

Klik na klik sila sa She’s The One pero ‘di nila pwedeng sabihan sa isa’t isa na She’s or He’s The One. Eh, kasi taken na sila, Marian Rivera at Zanjoe Marudo na nakatutok sa kanila. Katuwa naman wala raw naging problema sa kanila sa role nila sa pelikula. Hindi true na dedmahan kina Bea at Marian. Wala pong ganoon, kaya smooth ang shooting ng kanilang pelikula.

Maxene, hanep ang galing bilang kontrabida

PATAPOS na ang seryeng pinagbibidahan ng mga bagets sa GMA7. Ang gagaling nilang gumanap na mga anak nina Raymund Bagatsing at Lani Mercado. Wala kang itulak kabigin. Pero si Maxene Magalona grabe ang galing na kontrabida. Kaiinisan mo, kulang na lang daklutin mo siya sa loob ng TV set at lamutakin.

Ganyan ang artista kapag kontrabida role ang ginampanan, umasa ka kahit anong role pa siya, lalabas kang magaling na artista. Same with Raymund, bagay sa kanya ‘yung role na akala mo, hindi marunong magalit.

Palakpakan ang mga nasa harap ng TV set sa eksena na dumating si Raymund nang hinihila ni Maxene ang mga anak niya para dalhin sila sa tatay nila, pero bigla appear si Raymund. Sigawan at palakpakan ang mga “sisiw” fans…affected!

Paalis si Raymund patungong States sa November 2 para magbakasyon at ayusin ang ilang mga papeles na three years na niyang ‘di naaayos dahil sa rami ng trabaho. All out ang pasalamat ni Rama (palayaw niya) sa GMA7 na open door sa kanya at ilang shows. Sa pagbabalik ni Rama, mayroon ng project na sisimulan sa GMA7.

Letty G. Celi

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top