Tuesday , September 29 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Bakit nga ba umalis si Amy sa Face to Face?

Bakit nga ba umalis si Amy sa Face to Face?

BINIGYANG linaw na ni Amy Perez ang dahilan sa kanyang pagre-resign saFace To Face noon. Sa pamamagitan ng DM (direct messaging) sa Twitter, ipinaabot sa amin ni Amy ang mga rason niya kung bakit siya umalis sa show.

Aniy, ”Just to be clear sa mga nangyari. Never kong sinabi sa management na magtanggal ng tao sa ‘Face’. What happened really ay gusto nila mag-taping ng four episodes a day at sinabi ko lang naman na ‘di ko pa kaya since kakapanganak ko pa lang at first time ko na CS (caesarean). After niyon nagparinig na sa FB. Ano naman ang laban ko roon kaya nag-resign na lang ako kasi ‘di ko na kaya ang ganoong betrayal.”

Dagdag pa ni Amy, ”I swear to God, I never asked the management kasi ako na nga nagparaya, ‘di ba lahat sila may work now mas pinili ko ang peace of mind kaysa kumita ako. Kasi lahat naman sila may work pa now kaya I’m happy for all of them, ako na lang ang iiwas.”

Nasaktan din daw siya dahil pinalabas daw na siya pa ang masama.

Aniya, ”Nakakasama lang ng loob kasi ako pa ang ginawa nilang masama after all ng mga paghihirap namin together ng nagsisimula pa lang ang show na iyan. Pero ganoon siguro hanggang doon na lang ako.

“At the end of the day alam mo ‘yung ‘pag ‘di ka na masaya talagang mas pipiliin mo ang peace of mind kaysa financial gain kaya ako na lang umiwas para na rin happy lahat.”

Masaya raw si Amy na may show ang kanyang mga kapatid sa kanilang talent agency. Saad pa niya, ”I’m happy na may work sila, may show si Gelli (Gelli de Belen) at Mamu (Cristine Bersola) kasi Backroom sisters ko sila.

“Pero siguro talagang hanggang doon na lang ako. Sad at masakit kasi pwedeng naging maganda ang ending alam mo ‘yun, kaya ako na (um)iwas.”

Sinabi rin ni Tyang Amy na maganda raw ang naging pamamaalam niya sa mga bigwig ng estasyon. Lahad niya, ”Even our president, Sir Noel (Lorenzana), naunawaan niya how hurt I was sa nangyari kaya sabi niya it’s also a good time for me to heal.

“’Di natin masasabi, malay mo after 3 years Kapatid ulit ako. Kaya maayos kami naghiwalay nina sir Noel, Ma’am Wilma (Galvante) Ma’am Luchi (Cruz-Valdes), at ni sir Perci (Intalan), at sir Bob Bareiro), alam nila ang totoong nangyari.

“Too much lang ‘yung pain and hurt ko, felt so betrayed kaya mas pinili ko ng umiwas para alam mo na happy na lahat.”

May mga bali-balita ring matapos daw umalis si Amy sa TV5 at sa kanyang morning show, papasok naman umano siya sa Umagang Kay Ganda ngABS-CBN. Pero sabi ni Amy mismo, hindi siya papasok sa morning show ng Dos kundi sa magbabalik na Singing Bee, hosted before by Cesar Montano. Makakasama niya rito ang kanyang hosting tandem na siRoderick Paulate.

Arniel C. Serato

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top